tatlong araw na ang nakalipas..
lunes na ngayon nakapasok na ulit si Janina sa school kaya ayun si Sky lagi nanaman kasama yung babae na yun..
Ako eto dating gawi kasama sina Uji,Hannie,Zatch at Dion,Si Choi??ayun d parin ako pinapansin..
kakatapos lang ng recess namin,MAPEH nanamin ngayon PE daw kami ngayon kaha pupunta kami sa gymnasium..
Kasabay ko ngayong maglalakad si Dion..
"Girl,anyare sanyo ni Choi?"
kung pede ko lang sabihin
"Ewan din eh"
taena naman kase eh bat kase ayaw pa ako kausapin..
maya maya pa ay nakarating na kami sa gymnasium nakapang PE kami pinagpalit kami ni sir.
Volleyball ang laro ngayon..nakaupo muna ako habang yung iba lumalaro
maya maya pa ay may tumabi sakin
Si Sky
"Sorry kung d kita nasabayan kanina recess hah,alam mo naman yung sitwasyon natin eh"
oo alam ko
"ah ok lang,naiintindihan ko naman,kamusta naman kayo ni Janina?may naalala naba sya?"
sana wala pa
nakita ko naman ang pag simangot nya
"wala pa nga eh"
at tingin ko rin d parin nawawala ung nararamdaman nya kay Janina
"Hindi kita maiihatid mamaya hah,pahatid na lang kita kay Hans"
tumango naman ako
"Sky kayo na"
sabi nung teacher namin..
bago sya umalis
"i love you,sorry ulit"
shemss namumula na ba ako??
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CHOI PoV
"i love you,sorry ulit"
taena sakit sa tenga..
halos isang linggo na rin mula ng iwasan ko si Scarlet..
pero wala akong magagawa kase yun ang dapat,baka kase sakaling marealize nya na mas better ako,o baka mas marealize nya na mas gusto nya ako kapag umiwas ako sakanya..
may mga pagkakataon na nahuhuli ko syang nakatingin sakin,lalo na nung isang araw nung tinawag sya ni Sky tas sabi na
Choi
ewan pero napangiti ako nung mga araw na yun..Haysss sana kase ako na lang eh..
Naawa din ako kay Scarlet kase alam ko naman lahat eh..
Ex ni Sky si Janina pero nag ka amnesia si Janina ng dahil sa isang aksidente na d namin alam,Wala ngayong maalala si Janina,tinatry ni Sky na alisin yung nararamdaman nya kay Janina,kaya naman kay Scarlet nya iyon ginawa..
Alam kong pumayag si Scarlet kahit masasaktan lang sya kapag dumating yung point na maalala na ni Janina lahat.
Gustong gusto ni Scarlet si Sky kaya pumayag sya,pero natatakot ako.
natatakot akong dumating yung araw na maalala na lahat ni Janina at sa huli,
iwan ni Sky si Scarlet
kung minsan gusto ko ng upakan si Sky,tanga ba sya ginagamit nya si Scarlet eh..
nakaupo ako ngayon sa sahig.Naglalaro na ngayon si Scarlet ng volleyball
makatitig lang ako sakanya, napaka ganda nga talaga,ewan sobrang tinamaan na ako sakanya.
naalala ko parin yung sinabi nya sakin na wag kang mag alala may lugar ka dito sabay turo nya sa puso nya..
taena Scarlet,hindi kita iniiwasan para lang sa wala.
iniiwasan kita kase iniisip ko at pinaplano ko kung pano..
kung pano kita aagawin kay Sky