Choi's P.O.V.
Hindi ako nakatulog kagabi ng maayos dahil sa mga sinabi ni Scarlet pero atleast nagising ako kanina ng maaga.Recess na namin at buti na lang hindi umiwas si Scarlet sakin. Kahit yun lang,Okay na.
"Scarlet?Tara na sa canteen.Andun na yung iba."
Tumingin siya sakin.
"Mauna ka na,Choi.May gagawin lang ako."
Sabi niya sakin at ngumiti.Tumango na lang ako at sabay kaming lumabas sa room.As she waved goodbye, she took the other way na parang may hinahanap.Dumiretcho na lang ako kahit gusto ko siyang sundan.
Nakarating na ako sa canteen.
"Choi!Nandito kami!"
Agad akong napalingon sa left side ng canteen.Lumapit ako at umupo sa tabi ni Bont.Inilibot ko ang paningin ko,Wala din si Sky dito.
"Si Scarlet?Kasama mo siyang nahuli sa room diba?"
Tanong sakin ni Leean
Sabi ko na nga ba e.Kakausapin ni Scarlet si Sky.Oo,Nakakapagselos kahit papaano pero wala rin naman akong karapatan e at hindi rin naman ako yung gusto niya.Minsan na nga lang magmahal tapos hindi pa mamahalin.
"May gagawin daw kaya nauna na ako."
Sabi ko sabay kagat sa burger ni Hans.Si Hans naman ay tinignan ako ng masama.Tumawa na lang ako.
Time skip brought to you by Tide.Gulat ka noh?
Nauna na pumuntang room sina Hans dahil ako'y may pupuntahan pa.Habang naglalakad sa pathway sa labas may narinig ako.
"Oo,Inaamin ko.Gusto kita,Ikaw ba?May gusto ka din ba sakin?"
Napakapamilyar ng boses na yun.Sumilip ako at nakita ko si Sky at Scarlet,Nakaupo sila sa bench.Ah,Shet ansaket nun a.Bat ba kasi ganto?Bat ba kailangan pang masaktan sa twing nagmamahal?Bat ko minahal ang taong may mahal ng iba?Hindi ko na kinaya yung nakikita ko.Paalis na sana ako ng marinig ko ang boses ni Scarlet.
"Oo,Gusto din kita at paulit-ulit kitang pipiliin."
Parang tinusok ng maraming karayom yung puso ko,Hindi lang tinusok.Dinurog pa ito.My heart shattered into pieces of pieces.Nag-blur na yung paningin ko dahil sa luha,Agad ko itong pinunasan at umalis na.
TANGINA!ANG SAKIT!SOBRANG SAKIT!BAT PA KASI SA DINAMI-DAMING BABAE DITO SA MUNDO KAY SCARLET PA AKO NAHULOG?!
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
SCARLET PoV
"Oo,Inaamin ko.Gusto kita,Ikaw ba?May gusto ka din ba sakin?"
taena hanu daw??Gusto ako ni Sky??naka drugs ba sya??
akala ko nung una nagbibiro lang sya pero habang tumatagal napansin ko na sobranf seryoso na sya..
taena aamin na ako oo na
"Oo,Gusto din kita at paulit-ulit kitang pipiliin."
yan na lang ang lumabas sa mga labi ko..Sobrang saya ko na naamin ko na sakanya..
nakita ko naman ang bahagyang pag ngiti nya.
pero alan kong mali toh.Si Janina,alam kong si Janina talaga ang gusto nya..
"Pero Sky,si Janina pano sya?"
natatakot ako na mahulog ng sobrang kay Sky,,natatakot ako na baka dumating yung araw na maalala na lahat ni Janina at bawiin sakin si Sky..
Natatakot ako.
Natatakot akong matalo nanaman ni Janina.