Chapter 16: Last Day, Paris!

5 1 0
                                    

Kaira's POV

Late na ako nagising dahil late na din naman kami natulog ni Ranz, Last full day na namin sa Paris ngayon at kailangan na namin umuwi para maayos ang mga Requirements namin for school.

" Saan ba tayo ngayon? " Tumayo ako kahit inaantok pa talaga ako at nag-umpisang maglakad papunta ng banyo dahil tanghali na.

" Ewan ko nga kay * toot *. " Sagot saakin ni Yasmine habang nagpapatuyo ng buhok.

" Sinong toot? May kaibigan tayong toot? " Dahil sa sobrang bangag ko di ko nagets yung sinabi ni Yasmine kaya naman tumawa siya.

" Si ano, Si don't say bad word. " Habang tawa pa din ng tawa, Ah si Ethan.

" Bwiset! " Kaya natawa naman ako at pumasok na sa banyo para maligo, Pero sa pagkakaalam ko shopping day today eh. Bukas na kasi ang uwi namin dapat next week pa kaso ang dami na naming naiwan sa Manila na kailangang balikan.

Grabe yung nangyari kagabi, wala ang saya lang sobrang sarap sa pakiramdam. Kasama ko si Ranz buong gabi nag-uusap, asaran, tawanan lang ginawa namin habang ginagawa niya mga kailangan niya isubmit at natapos naman namin.

Paglabas ko sa banyo, nadatnan ko si Mommy na nagpapa-makeup kay Yasmine, Aba tong Nanay ko! Nag-ayos din ako ng sarili ko wala naman ako masyadong linalagay sa mukha ko skincare, liptint at kilay lang.

* tok * tok *

Binuksan naman ni Mae ang pinto at sinarado ulit at sumenyas saamin na nasa labas daw si Ethan.

" Buksan mo na, Mae! " Pabulong naman na sabi ni Yasmine, binuksan nan ni Mae ang pinto at dumiretso sa banyo. " Yes, Ethan? " Tanong ng Nanay ko kay Ethan.

" Ready na po kasi tita yung Van, pwede ba po tayong umalis kasi sa Shopping Centre lang naman po tayo pupunta since hapon na. " Habang kumakamot pa sa ulo si Ethan.

" Ah okay, Ethan. Baba na din kami. " Sagot ni Mommy dahil tapos na din naman siyang ayusan ni Yasmine.

" Okay po, Tita! " At umalis na si Ethan. Bumaba na din kami dahil ayaw ng Nanay ko na mag pinaghihintay siya, buti nalang ayos na din kaming tatlo.

" Mukhang excited tong mga girls mag shopping ah? " Sabi naman ni Oliver.

" Oo nga, tol! Nararamdaman kong taga bitbit lang tayo mamaya. " Sabi naman ni Ranz at pinalo ko naman siya sa braso.

Mabilis naman kaming nakarating sa Shopping Centre dahil naghahabol na kami ng oras, 3AM kasi ang flight namin pabalik ng Manila. Nagsimula na kaming mag shopping at si Mommy talaga ang leader!

Una naming hinanap ni Ranz ay pasalubong namin para sa mga kapatid niya, iba't-ibang store at outlet pinasukan naming dalawa.

" Eto bubbie? Bagay to kay Niana. " Sabi ko naman sakanya habang pinapakita ko yung damit.

" Ay oo, bubbie. Magugustuhan niya yan. " Sabi naman niya habang busy maghanap ng para sakanya, Natawa naman ako dahil pasalubong daw muna pero bawat outlet at store na papasukan namin naghahanap ng para sakanya. Nakabili na din ako ng pasalubong para kay Seah at Niña may isinuyo din kasi sila saaking Bag at Shoes. Nakahanap na din kami para kay Baby Natnat.

" Okay na ba, Bubbie? " Habang inaabot ko sakanya yung ibang paper bags.

" Okay na, bubbie. Iwan muna natin to sa Van tapos balik nalang tayo para bumili ng para saatin. " At kinuha niya naman yung inabot kong paper bags sakanya. Bumalik kami sa Van para iwanan ang mga napamili namin.

Pumasok kami sa Pandora, may nagustuhan akong bangle na lalagyan ng mga charms. Gusto ko bumili pero sobrang expensive para lang sa isang bangle.

" I'll take that. " Sabi naman ni Ranz kay Ateng nasa pandora, kaya nagulat naman ako.

Prom Night ( Lover's First Dance ) Ranz Kyle ft. ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon