Chapter 8: The Trip is about to Start

302 12 1
                                    

Kaira's POV

Bukas na ang flight namin, tinutulungan ko mag ayos ng gamit si Manang.

Group Text.... Bubbie , Oweng, Verlance, Biboy, Ully, Cav, Ysa, Mae

So bukas na ang flight natin, Mag empake na kayoooooo! Departure natin is 9:00 am so kailangan natin maaga alam niyo naman airport dito sa pilipinas, Dito nalang tayo magkita-kita para sabay sabay na.

* Send *

Ranz's POV

Ito ako ngayon nag aayos ako ng gamit para sa trip namin tapos dadalhin ko rin yung cards ko. Bumaba ako sa living room para tignan ang mga kapatid ko.

" Kuya, umalis si Mommy at Daddy. Pag balik niya daw bibigyan kana nila ng Allowance mo! " Sabi ni Seah.

" Ahh, okay. Si Niana? " Tanong ko.

" Nasa room niya ata. Kasama si Ate Niña. " Sabi naman ulit ni Seah. Tumabi ako sakanya at parang may lakad siya.

" Mukhang may lakad ka ata? Saan ang punta? " Pagtatanong ko sakanya.

" Yup, I'm just waiting for Justin. " Sabi niya.

" Is it a date? " Tanong ko.

" Kuya naman ang annoying mo, stop it! Mag skate lang naman kami sa park, okay? " Sabi naman ni Seah.

" Okay, okay. " Sabi ko.

Kaira's POV

Today ang alis namin papuntang Europe at sobrang excited na ako, Sobrang miss ko na din kasi si Mommy.

* Toot * Toot *

Text from... Bubbie

" Bubbie, We're here na sa labas niyo baba kana. "

" Oh nandyan na pala kayo bubbie, pasok na muna kayo. "

" Okie, Bubbie. "

Narinig ko naman na bumukas yung gate kaya alam kong papasok na sila kaya pumanik na ako sa baba. Medyo maaga pa naman, hindi nga medyo eh sobrang aga pa naman. Sinalubong ako ni Ranz.

" Help, Bubbie. Ang bigat. " Sobrang bigat ng maleta ko kaya naman di ko mabitbit pababa ng hagdan.

" Bubbie, parang dala mo buong bahay niyo ah. " At tumawa siya, Inirapan ko naman.

" Joke lang to naman! Akin na nga yan, Kawawa naman bubbie ko eh " Sabi niya at inagaw sakin yung maleta.

" Thank you, bubbie! " Sabi ko.

" Always welcome! " Kindat niya naman sakin ang aga-aga eh. Umupo muna ako sa sofa dahil napagod ako tumabi naman si Ranz saakin.

" Ang aga eh noh? Ang daming langgam! " Pang-aasar ni Owy saamin.

" Ahh mang-aasar ka pa, Oh sige. Wag kana sasama ah. Void ko na ticket mo Sir. " Sabi ko.

" To namang bestfriend ko di na mabiro! " Sabi ni Owy at nag pout pa kala mo kyot siya eh.

" Ayan hahahahaha mang-asar ka pa " Sabi naman ni Ranz kay Owy at pinalo ito sa may braso.

" Aray ko naman Ranz! Ano na pala ready na ba? " Tanong ni Owy saamin.

" Yes, tara na! " Sabi ko. " Manang, Tara na po sa van! Sabi ni Mommy make sure daw po na nakalock yung bahay before we leave. "

" Ok na, Anak. Yung front door nalang ibinilin ko na din yung bahay sa guard ng village. " Sabi naman ni Manang.

Prom Night ( Lover's First Dance ) Ranz Kyle ft. ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon