Chapter 18: Past vs. Present

13 0 0
                                    

Ranz's POV

Lubos naman ang pasalamat ko ng naging maayos ang Dinner kagabi, Iuuwi ko na sana si Kaira agad pero pinilit niya akong wag na dahil nag oo na siya kay Daddy. Umalis naman agad si Steph sa bahay kagabi, buti naman.

Nandito naman kami ngayon sa studio for rehearsals, nag papahinga na kami ngayon at nakaupo sa lapag.

" Balita ko dun daw nag dinner sainyo si Steph at nandun din si Kaira, Anong nangyare, tol? " Pagtatanong naman sakin ni Oliver.

" Wazzup mga tol! Anong chikka natin dyan? " Pasok naman ni Ethan sa studio.

" Ah wala kasi si Steph, kilala mo yon diba? Kela Ranz nag dinner eh andun din si Kaira. " Pagkwento naman ni Cav kay Ethan, akala mo di nila ako noh? Minsan talaga mga chismoso din tong mga kaibigan ko.

" Steph? Steph Bermundo? " Tanong ni Ethan. " Diba may gusto yun sayo Ranz dati? Kung di lang naman yun nangibang bansa baka yun nga girlfriend mo ngayon eh. " Sabi niya, binato ko naman siya ng twalya.

" Minsan talaga ang bibig mo, Ethan! " Sabi ni Cav sakanya, natawa nalang ako kasi totoo naman kung di si Steph umalis baka nga.

" Pero mas importante yung ngayon tiyaka masaya ka naman na eh, out of the picture na siya. " May sense din talaga minsan kausap tong si Ethan, magaling siya sa mga life advices. Nagulat naman kaming lahat ang biglang may bumukas ng malakas sa pinto, Syempre sino pa ba ang panay sunod saamin.

" Hi, Boys! " Salubong saamin ni Steph papasok sa studio.

" Mauna na ako mga, Tol. Pupuntahan ko pa si Kaira eh. " Malakas na sabi ko, tumayo ako at palabas na.

" Ako din, puntahan ko na din kasi si Yasmine. " Paalam na din ni Oliver sa iba. " Tara, Ranz. Puntahan na natin mga jowa natin! " Inakbayan niya naman ako palabas at ng makalabas kami tumawa si Oliver ng malakas.

" Nakita mo ba mukha niya? " Habang tawa pa siya ng tawa. " Lalapitan ka sana niya eh, buti nalang saktong nag text si Yasmine na sunduin ko na siya. " Sabi niya pa ulit, natawa na din ako.

" Salamat, tol! " Pagpapasalamat ko naman sakanya dahil nailigtas niya ako.

" Pero tol, matanong ko lang. Paano yun? Hindi mo naman pwedeng iwasan nalang si Steph dahil diba pinair up kayo ng Management. " Napaisip naman ako sa tanong niya, Oo nga? Di ko naman pwedeng iwasan si Steph pero ayaw ko din namang magkaproblema kami ni Kaira.

" Siguro kapag nandyan lang ang Big Boss, wala pa namang big project eh. " Sagot ko naman sakanya, tinapik niya lang ako sa likod at sumakay na sa kanya-kanya naming kotse.

Habang nagmamaneho ako iniisip ko kung paano ako makakatakas kay Steph, dahil ayoko talagang nagaalala si Kaira. Lalo pa ngayon na may alinlangan siyang ituloy yung pag-aaral sa Australia. Tumigil ako sa tapat ng Univeristy namin, nakatayo na din at naghihintay si Kaira sa labas ng gate kaya sa tapat niya akong huminto agad naman siyang pumasok.

" Hi, bubbie. Musta rehearsals niyo? " At hinalikahan ako sa pisngi, grabe. Di ako magsasawang sunduin ang babaeng to kahit nakakapagod napapawi talaga, Inayos niya ang seatbelt niya at nagmaneho na ulit.

" Nag lunch kana, bubbie? " I asked her habang binabasa niya yung kinuha niya sa Registar.

" Ah hindi pa, bubbie. Ikaw ba? " Masigla niyang sagot saakin na nakangiti, kahit papano medyo gumaan ang pakiramdam ko.

" Okie, Mcdo? " Sabi ko sakanya nilingon niya naman ako at parang nagniningning ang mata.

" Yes, bubbie!!!!! " Sagot niya sakin with na punong-puno ng excitement para bang batang bibigyan mo ng laruan.

Prom Night ( Lover's First Dance ) Ranz Kyle ft. ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon