Chapter 13: Bonjour Paris, France!

10 0 0
                                    

Kaira's POV

Hating gabi na ng makarating kami sa Paris, Kaya naman pare-pareho kami sabog. Sinalubong naman kami ni Mommy sa Train Station.

" Hi, baby! How's the trip? " Salubong saakin ni Mommy at hinalikan ako sa pisngi.

" Okay lang po mommy, nakakapagod pala. " Sabi ko.

" Manang, ikaw? Di ka ba pinahirapan ng mga batang to? " Tanong ni Mommy kay Manang.

" Di naman, Mam. Mababait sila kasama. " Sabi ni Manang.

" Hi, Tita Mommy! " Sabi naman ni Ranz kay Mommy, TITA MOMMY? At kailan pa may ganyan tawag si Ranz kay Mommy?

" Oh, Ranz. Anak! Mas lalo la atang gumagwapo? " Sabi ni Mommy kay Ranz, ANAK? KAILAN KO PA NAGING KAPATID SI RANZ.

" Hindi naman po tita mommy! " Sabi ni Ranz at nagkamot pa sa ulo.

" Oh siya, Tara na mga bata. Para makapag-pahinga na din kayo. " Sabi ni Mommy, Hay salamat! Pahinga. Gusto ko na mahiga sa kama at matulog.

Hindi naman ganun kahaba yung biyahe namin pauwi sa bahay kaya naman nakarating kami kaagad, Yes may bahay kami dito. Alam ko sobrang pricey manirahan dito sa France pero bukod sa Bahay namin sa Manila, Regalo to ni Daddy kay Mommy before he died. I miss you, Daddy. Sabi ko sa sarili habang nakatitig sa bahay na nasa harap ko.

Sobrang di ko mapigilang malungkot dahil ilang beses na din namin nakasama si Daddy sa bahay na to, pero maliit pa ako nun kaya medyo blur yung mga memories ko sakanya na kasama siya dito.

Linapitan naman ako ni Mommy at hinimas yung likod ko.

" I miss him, mommy. I miss you, Daddy. " Sabi ko habang naiiyak.

" Shhh, I know anak. I'm sure he misses us too pero nasa better place na siya. I know for sure that happy siya na maayos kang lumaki. " Sabi ni Mommy saakin at sinamahan ako papasok ng bahay hanggang ngayon masakit pa din saakin pagkawala ni Daddy, Syempre laking Daddy ako eh.

He was busy sa business namin almost everyday pero di siya nawalan ng time to take care of me, He always find time para mag bonding kami minsan nga kahit ang daming deadline hindi niya ginagawa just so he can bond with me. Good old days, good old days. Bigla ko namang naramdamang may humawak sa kamay ko, Si Ranz.

" It's going to okay, bubbie. For sure ayaw ng daddy mo na nakikita kang malungkot. " Sabi niya.

" Thank you, bubbie. I love you! " I smiled at him and he squeezed my hands assuring me that everything will be alright.

" I love you, too. " Sabi niya saakin. Pagpasok ko sa kwarto namin nila Yasmine at Mae, nakatulog ako agad.

Oliver's POV

Maaga akong nagising, pumunta sa balcony at uminom ng kape kasi ewan kinakabahan din kasi ako kagabi pa eh, di ko mapigilang isipin kung ano bang mangyayari pati yung mga nangyari sa Amsterdam di ko din makalimutan.

* flashback to canal boat ride, amsterdam  *

" Never did i imagined myself na sasakay sa gantong romantic boat during sunset with a guy. " Sabi ni Yasmine saakin.

" Never did i imagine myself to be right in this moment with the girl i like. " Sabi ko at nagulat naman siya sa sinabi ko. Natahimik kami pareho at tinitignan nalang ang sunset na nasa harapan namin, yung kamay niya at kamay ko biglang nag dikit pero iniwas niya ito at ipinatong sa kahoy na inuupuan namin.

Prom Night ( Lover's First Dance ) Ranz Kyle ft. ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon