Chapter 17: We're Back!

8 0 0
                                    

Kaira's POV

After almost 14 hours ng flight dumating kami sa Manila na sobrang drained. May kanya-kanyang sundo na naghihintay saamin sa labas kaya naman nag paalam na kami sa isa't-isa.

" Bye guys, Thank you sainyo! " Habang niyakap ko sila at ibinalik naman nila yung yakap ko, Sobrang thankful kasi ako na sinamahan nila ako sa vacation na 'to without hesitations. Paglabas namin sa NAIA naghiwa-hiwalay na din kami at kasama pala namin si Ranz pauwi since same village lang naman kami.

Sa sobrang pagod namin sa flight namin di namin namalayan na nandito na kami sa bahay at ginising nalang kami ni Manong ng nasa loob na kami ng garahe. Agad-agad naman akong bumaba sa sasakyan kahit na medyo jet-lag pa ako.

" Manong, Si Ranz po? " Saka ko lang napansin na wala na pala si Ranz.

" Ah, Mam kaira nagpababa na po sa may sakanila. Di na po ata kayo ginising pero po hindi niya pa kinuha yung maleta niya, Dadaanan niya nalang daw po. " Sagot naman ni Manong saakin na binaba sa sasakyan yung mga gamit namin, ngumiti nalang ako kay Manong at pumasok na ako sa loob ng bahay at magpalit ng komportableng damit.

" Anak may mail na para sayo oh. " Iniabot naman saakin ni Mommy yung mail na para saakin at binuksan ko naman ito. OMG! Isang application for Exchange Student sa Australia nag apply ako dito nung di pa kami ni Ranz bago yung Prom Night nung Univeristy namin, kailangan ko pang mag Entrance Test sa University na papasukan ko dun. Kailangan ko pa bang lumipat? Graduating naman na din kami sa College. Pero sayang ang opportunity, It could open some doors.

" Mommy, Application. " At ibinigay ito kay Mommy na halatang gulat na gulat at proud na proud.

" Omg? Anak! Ang galing mo, Ano balak mo gawin? " Halatang-halata na excited siya sa opportunity na 'to dahil minsan lang may makuhang exchange student sa Univeristy namin. Napaisip naman ako sa tanong ng Nanay ko saakin, Ano nga ba ang balak kong gawin? Ngayon pang andyan na si Ranz.

" Sa totoo lang mommy, Hindi ko po alam eh. Ngayon pang biglang nag-iba ang takbo ng buhay ko. " At tinignan ko ulit yung Application, kaya ko pa bang iwanan si Ranz? Kaya ba naming magkahiwalay? Tanong ko sa sarili ko na para bang di ko mahanapan ng sagot.

" Okay lang yan, nak! Matagal pa naman eh pag-usapan niyo muna si Ranz at tiyaka kung ano man ang desisyon mo tatanggapin ko naman. " At tinapik ni Mommy ang likod ko, Ba't ba ako nalulungkot? Dapat masaya ako diba? Kasi nandito hawak ko ngayon yung pangarap kong application para maging exchange student sa abroad pero bakit? Bakit parang ngayon ang hirap tanggapin. Iniisip ko palang mga iiwan ko, nalulungkot na ako.

Ranz's POV

Nagpababa ako sa driver nila Kaira, dahil nakatanggap ako ng text na urgent kailangan daw kami mameet ng management. Pagpasok ko sa bahay sumalubong saakin mga kapatid ko at sinalubong naman nila ang halik sa pisngi.

" Kuya's back! " Excited na sabi ni Nathalia habang nagpapabuhat saakin, binuhat ko naman to.

" How are you, Baby Natnat? " I asked her pero tila bang may hinahanap pa siya sa labas ng pinto.

" Where are your things, Kuya? " Tanong saakin ni Niana na nagtataka din siguro kung bakit wala akong gamit.

" Where's Ate Kai? " Tanong naman ni Natalia saakin.

" Ahh, yung gamit ko nandun pa sa Car nila Ate Kaira and si Ate Kaira naman nandun na sa bahay nila. She's asleep kasi kanina. " Pagpapaliwanag ko naman sakanila, naintindihan naman nila at nag-aya saakin maglaro kaso nga may urgent meeting akong pupuntahan kaya sabi ko mamaya nalang pagbalik ko.

Nag-ayos ako at pumunta na sa Office ng management namin, Ano ba naman yan! Kakarating ko lang, ang dami agad kailangang asikasuhin. Pagdating ko sa Office ay andun na din ang iba pang Chicser at si... Steph. Medyo na mood drop naman ako, andito nanaman siya mangungulit nanaman pero ano pa ba magagawa ko? Management ang nag pair up saaming dalawa, ayoko man wala akong magagawa dahil may kontrata kami.

Prom Night ( Lover's First Dance ) Ranz Kyle ft. ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon