Chapter 14: SPECIAL CHAPTER - VERMINE KILIG SA PARIS

9 0 0
                                    

(A/N) This is a special chapter of Oliver and Yasmine, Please enjoy this chapter mga labs!

Oliver's POV

This is the day, Sobrang natatakot ako na kinakabahan yung mga pupuntahan namin special request ko yun kasi yung last na pupuntahan namin dun ko gagawin yung plano.

Maaga akong nagising para makapaghanda syempre dapat gwapo tayo ngayon, Pagkatapos ko mag-ayos bumaba na ako at kasalubong ko si Kaira na palabas na din ng kwarto nila.

" Nasaan? " Tanong ko nagets niya naman yung tanong ko.

" Ahh, Nag-aayos pa kailangan daw maganda siya today para maganda mga pictures niya. " Sabi maman ni Kaira na natatawa.

" Kahit naman di siya mag-ayos maganda pa din siya. " Sabi ko.

" Asus, Goodluck sayo mamaya. " Sabi saakin ni Kaira.

" Ay may request pala ako sayo, pwede bang ikaw yung kumanta? " Tanong ko sakanya, di ko kasi siya makausap kahapon dahil lagi silang magkatabi ni Yasmine.

" Ano bang kanta? " Tanong niya saakin.

" Diba kasi favorite niya yung kantang Crashing by Kyle Juliano kunin lang sana natin yung first and second stanzas. " Sabi ni Ver.

" Ahhh, Oo! Osige. What if sabayan mo ako? Sa isang part dun? " Sabi sakin ni Kai.

" Kaya pa ba? " Tanong ko sakanya dahil di na ata kaya ng oras.

" Kaya pa yun, May three hours pa tayo bago umalis and matagal pa yun sila mag-ayos. " Sabi ni Kaira at kinuha niya kay Ethan yung gitara at pumunta kami sa Balcony ng Kwarto namin nila Ranz.

" Wait, ganto! Ako muna ha tapos ikaw nalang sa second stanza tas kapag tapos mo na yun sabihin mo na yung mga gusto mong sabihin ako na bahala sa background song. " Sabi ni Kaira, Ako lang ba? Pero ang galing ni Kaira sa music.

" Okay, practice tayo. " At nag practice kami para din masaulado ko yung lyrics, pero grabe! Ang galing ni Kaira saulado niya na agad yung chords and lyrics.

" OHHH AYUN NA! OKAY NA YUN OMG VERLANCE, SO EXCITED FOR YOU. VERMINE FTW " Sabi saakin ni Kaira after naming matapos yung kanta.

" Thank you, Kai! " Sabi ko at nauna na akong bumaba dahil nag paiwan si Kai dun sa taas para daw di halata sabay na daw silang bumaba ni Ranz na naliligo palang.

Nang makarating ako sa baba nakita ko naman si Yasmine at Mae na katabi si Owy kumakain sila sa breakfast nook.

" Good Morning, Kuya! " Salubong saakin ni Owy.

" Wow, Ang bait ng kapatid ko. " Sabi ko naman sakanya at tinawanan siya, tinignan ko si Yasmine na busy mag phone habang kumakain. Di man lang ako tinignan. Umupo ako sa harap nila at nagsibabaan na din yung iba.

" Maganda umaga, Ready na kayo? " Salubong ni Ethan saamin.

" Hoy, Mae! Magandang umaga daw. " Pang-aasar ni Owy kay Mae at sinisiko niya pa ito.

" Tantanan mo nga ako! " At tila umikot ang mata ni Mae sa pang-aasar ni Owy sakanya. Si Yasmine naman tawa ng tawa sa dalawa.

Prom Night ( Lover's First Dance ) Ranz Kyle ft. ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon