Chapter 21: Promise

14 0 0
                                    

Kaira's POV

It's been a week na after ng birthday ni Ranz at bukas na din ang alis ko, Nag take ako ng finals earlier than them kasi need kong andun na dahil may mga paper works pa na kailangan ayusin at pati yung dorm ko sa university kailangan na din ayusin.

Aalis kami mamaya ni Ranz for a date, ang cute nga kasi everyday ata kami may date night. Wala eh, kailangan sulitin.

* toot *

Text from... Bubbie

" Bubbie, I'm on my way. "

" Okay, noted bub. Drive safely! " reply ko, buti nalang nakapagready na ako kanina pa.

Bumaba na ako sa sala para dun na ako maghintay kay ranz at nandun naman si Mommy may binabasa na something.

" Oh nak, Date night? " Tanong niya saakin.

" Opo, mommy. On the way na po si Ranz. What are you reading mommy? " I asked her due to my curiosity.

" Ah, yung tungkol sa University na papasukan mo pinatignan ko kasi kung magiging ayos ka lang ba dun since 1 week mo lang ako makakasama dun at next month pa ulit tayo magkikita. " Sabi ni Mommy.

" Grabe naman mommy, magiging okay lang ako dun. Bibisitahin mo naman ako twice a month eh. " Sabi ko.

" Syempre kailangan ko alamin kung safe ba dun and kung maayos ang pamamalakad nila dun. " Ang cute din ng nanay ko eh, as in lahat pati mga gamit nadadalhin ko tinignan niya lahat.

" Mam Kai, andyan na po si Sir Ranz. " Sabi naman ni Ate Maning saakin.

" Ah sge po, Thank you ate! " Sabi ko naman. " Bye mommy! " At hinalikan ko siya sa pisngi.

" Sige, ingat kayo. " Sabi niya kaya tinanguan ko nalang at tumakbo na ako palabas ng bahay namin diretso naman akong sumakay sa kotse ni Ranz.

" Hi bubbie. " At hinalikan ko siya sa pisngi, nakangiti siya pero malungkot ang mata.

" Saan mo gusto kumain? " Tanong niya.

" Ramen and Sushi date, please. " Sabi ko sakanya, nararamdaman ko talaga yung lungkot kaya naman hinawakan ko kamay niya na nakapatong as armrest ng kotse. Nakarating naman kami agad, buti nalang hindi traffic masusulit namin ang oras.

After namin kumain, bumili kami ng mga damit at gamit na kailangan kong dalhin. Matapos namin ay inilagay muna namin yung mga napamili sa kotse at dumiretso kami sa park malapit sa mall.

" Are you alright? " Tanong ko habang naglalakad kami sa park.

" Yep, bubbie. I'm fine, I guess malungkot lang ako dahil aalis kana. You won't be here anymore, di ko na mahahawakan kamay mo, di kita makikita sa harap ko, wala akong mayayakap. " Nalungkot naman ako.

" Bubbie, kahit malayo ako you can always always count on me. I may not be by your side physically isipin mo nalang na no matter you have me. " Sabi ko, i don't really know how to make him feel better kasi I myself nalulungkot din sa fact na iiwanan ko lahat.

" Pupuntahan kita kapag may mahaba akong free day sa work. " He smiled at me then hinawakan niya kamay ko, umupo muna kami sa bench na nadaanan namin.

" Really pupuntahan mo ako dun? " Sabi ko with all the excitement.

" Yes, bubbie. I will make time na makapunta sayo. One year lang naman, uuwi ka kaagad. "

" Yay, thank you bub. " Sabi ko.

" But before you leave, i just want to say na take care of yourself please wala kami dun. " Sabi niya. " Kai.... " May nilabas naman siyang box mula sa bulsa niya at hinawakan ulit ang kamay ko, omg? " I want to give you this promise ring as a visible and constant symbol of my promise to be with you as long as I live, bubbie. And a constant reassurance that i will always be faithful to you even we're apart. " Sinuot niya sakin yung singsing, di ko na napigilan at tumulo na luha ko. I will always, always be thankful to God na binigay niya saakin tong lalaking to.

" Bubbie naman eh, thank you so so so much. I love you! " Still, im crying. Grabe naman kasi ang puso ko punong puno na ng pagmamahal. " Ranz, wala akong promise ring eh. " Kinuha ko kamay niya, " Bubbie, Long distance relationships are hard. There is no need to sugarcoat it naman kasi we both know it, from the number of miles between us — and the fact that we are in different time zones is a lot to handle. But here's the truth about it — even though it's hard, even though it is a struggle, the thought of having someone who loves you still, who chooses you every single day even when they're far away from you, is the most precious thing and will all be worth it in the end. I promise you that i will always trust and be honest with you, and i will always love you. This a promise from me to you. " Nag pinky promise ako sakanya, hinalikan niya ako sa noo.

" I love you, too. " Sabi niya. Mamaya pa inaya niya na akong umuwi, medyo natagalan din kami pauwi dahil traffic at nag stop siya sa harap ng bahay namin. We said our goodnights at umuwi na din siya sakanila. Napatingin naman ako sa kamay kong suot ang singsing na bigay niya, napangiti nalang ako.

-

Ranz's POV

Pababa na ako ng kotse at nakita kong may naghahakot ng gamit papasok sa bakanteng bahay sa tapat namin. May bumili na ng bahay na yan? Ang tagal din kasing walang nakatira dyan. May lumabas naman na lalaki galing sa loob ng bahay, matangkad, mapanga and medyo malaki din ang katawan. Baka gym instructor to? Parang ganon kasi itsura niya.

" Pre! " Papasok na sana ako ng bahay ng bigla niya akong tawagin at papalapit na siya saakin. " Pre, meron ka bang landline ng guardhouse? Kailangan kasi namin at wala namang binigay saamin. " Tanong niya sakin, akala ko naman kung ano na.

" Ah meron. " Sabi ko at ipinakita ko sakanya yung number.

" Salamat, pre! Kami nga pala yung bagong lipat dyan sa tapat, Ako nga pala si Kier. " Sabi niya at inilahad ang kamay niya sa harap ko.

" Ah kita ko nga, Ranz. " At inilahad ko din kamay ko at nag shake hands kami.

" Sige, pre. Salamat ulit. " Sabi niya at pumasok na din ako sa bahay namin.

Kailangan kong matulog ng maaga dahil bukas ang alis ni Kaira, Susunod naman ako sakanya after a week tatapusin ko lang ang trabaho ko dito.

-----
(A/N) Hala, omg! Nagkakilala na si Kier at Ranz mas lalo akong na exited sa mga susunod na kabanata.

Sorry ang lame ng update na to sobrang tuyot ng utak ko finals kasi, Bawi ako mga loves! ❤️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Prom Night ( Lover's First Dance ) Ranz Kyle ft. ChicserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon