SI WANING

220 6 0
                                    

Noong unang panahon sa isang sulok ng lugar sa mindanao sa tabing dagat ay may dalawang tribo ang nakatira. Hindi nga lang sila magkalapit. Si pinunong bakaw isang makisig na lalaki,mestiso at napakamasipag ang namuno sa unang tribo at si pinunong pagat naman ang namuno sa pangalawa. Namuhay ng mapayapa at masaya at tahimik ang tribo nila bakaw. Tanging pangingisda lamang ang kanilang ikinabubuhay. Si bakaw ay magaling sa pamamana ng mga isda at sa mga ibang lamang pagkaing dagat. Bukod sa magaling siyang mamamana ay hinahangaan din siya ng mga ibang babae sa kanyang tribo at siya ang pinakamayaman na pinuno dahil sa mga perlas na meron siya na nakatambak sa kanyang tahanan na nakukuha niya sa kailaliman ng dagat.
   Isang araw ng umaga ay natanaw ni bakaw ang isang magandang dalaga na naliligo sa tabing dagat sa harapan ng kanilang teritoryo. Nakatingin ang dalaga sa kanya na pawang nang-aakit at agad-agad itong nilapitan ni bakaw. Ilang minuto niyang tinitigan ang napakagandang dalaga at ganito ang nangyari:

Bakaw: O Napakagandang dilag, parang hindi ka pamilyar sa akin, taga rito ka ba?

Waning: Malamang di moko kilala ginoo. Tawagin mo na lamang ako sa pangalang Waning napakagandang lalaki😊

Bakaw: Ahmm bakaw pala waning..☺tagasaan ka ba?

Waning: Galing ako sa malayo-layong lugar. Isang alitan at di pagkakasundo ang nanyayari sa aming mga pinuno sa aming lugar. Kung kayat lahat ng naninirahan doon ay pinapatay nila.. kaya heto ako ngayon tumakas at nagpapakalayo. Kaya hanggang ngayon wala pa rin akong makikitang magiging tirahan ko pansamantala ( umiyak )

Bakaw: Ako poy nalulungkot sa aking narinig. Tahan na magandang dilag, halika't kung gusto mo sa amin ka muna titira pansamantala.

Alamat Ng BakawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon