GULO AT TRAHEDYA

89 1 0
                                        

Sa madaling araw ay isang napakalakas na lindol ang yumanig sa tribo. Nagsigawan at Nagkagulo ang lahat at naglabasan sa kanilang mga tahanan. Nagising agad si bakaw sa nangyari ngunit nagulat siya sa kaniyang nakita na dali daling hinakot ni waning ang ilang mga natirang perlas na inilagay sa isang malaking baul na kahoy.
"Asawa ko?ano to?" wika ni bakaw habang gulat na nakatingin kay waning. Nagulat at napatingin si waning sa kaniya hanggang sa ito'y umalis at tumakbo papalabas. "Waning!Sandali!" Sigaw ni bakaw. Sinundan niya agad ito papalabas subalit habang hinahabol niya si waning ay nakita niya ang isang bata na muntik na mahulugan ng kahoy at kaya dali dali niya itong tinakbuhan at iniligtas hanggang sa di na niya masilayan si waning.
"Bat mo ginawa sakin to asawa ko?" Wika ni bakaw hanggang siya'y napaluha."Waning!!!!bumalik ka...!"
     Habang sumikat na ang araw ay isang di magandang pangyayari ang naganap. Bigla na lamang nagpakita sa kanilang harapan ang kabilang tribo na pinamumunuan ni pinunong pagat sa tribo nila bakaw.
      "Bakaw lumabas ka!" Sigaw ni pagat.
Agad lumabas sa bahay si bakaw at gulat na gulat sa nakita niya. At ang mas nakakagulat ay kabilang din pala dun sa grupo si waning.
Nagharap ang dalawang pinuno at ang mga ka tribo ni bakaw ay labis labis ang pagkatakot lalo na't kokonti lamang sila at lalong lalo na hindi sila sanay sa labanan.
    
Pagat: hahaha. Ang bilis mong maloko bakaw!

Bakaw: (nakatingin kay waning) asawa ko?ano to!?paliwanag mo...

Waning: "HUWAG NA HUWAG MOKO MATAWAG NA ASAWA DAHIL HINDI NAMAN TALAGA KITA MAHAL! MINAHAL LAMANG KITA DAHIL KAILANGAN KITA!!"
At ang yung mga perlas na yun ay samin na!

Pagat: oh!narinig mo na? Bakaw dahil ibinigay mo na lahat ng kayamanan mo baka pwede bang itong teritoryo niyo na din at lupa?haha

Bakaw: tumigil ka pagat! Walang sinumang mang makikialam sa tribo ko at sa teritoryo namin. Bumalik na kayo sa teritoryo niyo. MAKONTENTO KAYO SA ANUMANG MERON KAYO!

Pagat: HUWAG KANG MAGING MAKASARILI bakaw!
Isipin mo din ang mangyayari. Nakikita mo naman siguro yung mga tauhan ko diba? Lalo nat may dala dalang matutulis na bagay. Sa tingin mo ba matatalo niyo kami? Kaya kung ayaw mo masaktan ni isa sa ka tribo mo ay mas mabuti pang umalis na lang kayo dito!

Bakaw: pakiusap pagat! Ayoko ni isa bawat sa amin o maging sa atin ang masaktan! Lalo na sa iyo waning,asawa ko... gusto kong magkaisa na lamang tayong lahat.. pakiusap ayaw namin ng GULO.

Alamat Ng BakawanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon