PAG-IISANG DIBDIB

112 2 0
                                        

Matapos ang isang gabi ay bumalik na sila sa kanilang tahanan sa tabing dagat. May mga iilang bahay ang nasira ngunit madali naman nila itong napaayos dahil lahat sila ay tulong-tulong na maiayos ito.
Tanaw na tanaw ni bakaw mula sa kanyang bahay si waning na nagluluto ng pagkain sa tabing dagat at ibinibigay at ipinapakain sa mga bata habang siyay nakangiti.
    Makalipas ang ilang araw ay niligawan niya ang napakagandang dilag na si waning hanggang sa naging asawa na niya ito.

Bakaw: Mula ngayon ikaw na ang mgiging reyna ng buhay ko.

Waning: at ang mapapangasawa ko habambuhay.

Bakaw: At magmula ngayon ikaw na rin ang hahawak at magmamana sa mga kayamanan na meron ako.

  Tradisyon na ng kanilang tribo na kapag nakapag asawa ang lalaki sa isang babae ay ipamana sa babae ang lahat ng kayamanan meron ang isang lalaki.
   Isang selebrasyon ang ipinagdiwang ng kanilang tribo sa isang gabi. Ang tradisyong pagpapasalamat sa bathalang pumoproteksiyon sa kalikasan. Lahat ay nag-alay ng mga masasarap na pagkain, may nagpapatugtog ng instrumento na yari sa kahoy at kawayan habang ito'y pinapalo. Maging ang mga ilan sa kanila at si bakaw at si waning ay masayang sumasayaw.

Alamat Ng BakawanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon