SAKRIPISYO

83 1 0
                                        

Hanggang sa nagsisigawan na ang lahat ng mga ka tribo dahil sa isang napakalaking alon na parating o na kung tawagin ay TSUNAMI dulot ng matapos ang isang lindol na nangyari kagabi. Gulat na gulat ang lahat pati ang mga dalawang pinuno sa kanilang nasilayang malalaking alon at ang iba sa kanila ay papatakbo na papalayo ngunit nilamon pa rin sila ng malaking alon. Lahat sila ay natamaan at hinagupit ng sunid sunod na malalaking alon. Ang iba sa kanilay nagkakasugat-sugat, nalunod at namatay.

Isang napakatapang na si bakaw ang nagpupumilit sumisid sa ilalim ng tubig para iligtas si waning. Hanggang sa naabotan niya pa ito na palubog sa ilalim ng tubig. Kumapit si waning sa kanyang likoran hanggang sa unti unting hindi na makahinga ang dalawa. Hiniling ni bakaw sa bathala na gawin siyang instrumento para mailigtas si waning. Naubusan na ng hininga si bakaw hanggang may isang liwanag ang tumama sa kanya.

"KUMAPIT KA LANG ASAWA KO" wika ni bakaw hanggang sa huli niyang hininga.
Unti unting nagbago ang anyo ni bakaw at biglabna lamang dinala sa taas si waning sa mga sanga-sangang naglalabasan sa katawan ni bakaw at ang kanyang mga paa ay nagiging mga nagtataasang ugat na pawang kumakapit sa lupa.

Alamat Ng BakawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon