ANG DAKILANG PINUNO

164 3 0
                                    

Dahil nahabag si pinunong bakaw kay waning ay pinatira niya ito sa kanilang tahanan at pinakilala sa kaniyang mga ka tribo. Nagpatuloy ang pag-uusap nina bakaw at waning hanggang sa isang buhawi ang tumama sa dagat na malapit lamang sa kanilang tribo.
Handang inalalayan agad ni bakaw ang kanyang mga ka-tribo lalo na si waning patungo sa isang kuweba na kung saan ligtas sila. Bitbit niya lahat ang kanyang mga perlas at ang kanyang alagang Pana .
     Parang nahulog na rin ang loob ni waning kay bakaw dahil sa pagiging maalaga nito sa kanya at sa kanyang mga ka tribong kinasasakupan.
Gabi na yaon at nakatulog na ang lahat maliban kay bakaw na nasa labas ng kuweba na nakatayo't tumatanaw sa malayo. Nagising si waning at tumingin sa labas at dahan dahan niyang pinuntahan si bakaw.

Waning : O bat di ka pa tulog?

Bakaw :  May inaalala lang ako.

Waning : Ano naman yun? Pwede ho bang malaman?

Bakaw: Si Ama, naalala ko si ama. Lagi kasi niya sinasabi sakin noon na ipapangako kong poprotektahan ko bawat pamilya kong ka tribo.
Gayunpaman, hinding hindi ko siya bibiguin.

Waning: Ibang-iba ka talaga ano?ibang iba sa lahat ng mga lalaki na nakilala ko☺

Bakaw: Bat mo naman nasabi yun waning?

Waning: Kasi sa nakikita ko napakamaalaga mo't napakamaalalahanin mong pinuno at higit sa lahat mapagmahal.

Bakaw: Bilang isang pinuno waning kailangan kong proteksyunan at mahalin sila. Dito ako lumakit kailanma'y di ko sila pababayaan.

Alamat Ng BakawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon