Kinaumagahan matapos ang selebrasyon ay sumigaw si waning na para bagang nagugulat dahil nawawala ang mga nakatambak na perlas sa kanilang kuwarto. Nagulat na lamang si bakaw na wala na ang mga ito. Subalit pinaalalahanan niya si waning na huminahon na lang at wag mag alala dahil marami pa siyang makukuhang bagong perlas sa laot. Ngunit bigla na lamang tinaasan ng boses si bakaw at sa kanya lahat isinisisi ang nangyari. Kinabukasan ay galit na galit uli si waning dahil konti lamang ang nakukuhang perlas ni bakaw.
"Babawi ako bukas asawa ko" wika ni bakaw.
Araw-araw ay laging lumalaot si bakaw sa ilalim ng dagat buong maghapon para lamang makapag-ipon ng maraming perlas para sa kanyang asawa. Subalit kinaumagahan na naman ay naglaho ulit na parang bola ang mga perlas.
"Bakit!di mo kasi!sisihin at tignan dito lahat sa mga katribo natin baka isa sa kanila ang nagnakaw!" Sigaw ni waning kay bakaw habang nanlilisik ang mga mata nito. Binalewala na lamang ni bakaw ang galit ni waning at sumunod na ang nangyari..
Tinawag lahat ni bakaw lahat ng mga ka tribo niya. Galit na galit ito kung sino daw sa kanila ang nagnakaw o kumuha sa mga perlas. Ngunit wala ni isa sa kanila ang umamin.
"Alang-alang para sa iyo asawa ko gagawin ko't ibibigay ko ang lahat para sa iyo" wika ni bakaw kay waning.
"Pangako mo iyan bakaw ah..lahat lahat gagawin at ibibigay mo lahat kung ano man ang gusto ko." Sabi ni waning sa mahinahon na boses.
"Oo asawa ko." sagot ni bakaw.
BINABASA MO ANG
Alamat Ng Bakawan
Historical FictionAng alamat na ito ay kung paano nagsimula ang iniingat-ingatan nating bakawan ang isa sa likas na yamang nagbibigay proteksiyon laban sa kalamidad lalo na sa mga kapwa nating nakatira sa mga baybaying dagat. Ipinamalas din sa alamat na ito ang pagpa...