Matapos ang trahedya ay huminahon na ang dagat. Nagising si waning sa ibabaw ng isang malaking puno na may mga sanga-sanga sa tabing dagat habang tumama ang sikat ng araw sa kanyang mga mata. Dahan dahan siyang gumalaw sa isang malaking puno at tanaw na tanaw niya ang ang ibang taong nakahandusay na sa lupa. Labis labis ang kanyang pagsisisi at lungkot na lungkot siya sa nangyari.
"Patawarin mo ako asawa ko! naging makasarili ako! nagawa ko lang naman ang lahat ng iyon para mailigtas ang mga magulang ko sa kamay ni pagat. Patawarin moko sa lahat lahat" patuloy ang kanyang paghikbi habang yakap na yakap niya ang sanga. Tumulo ang mga luha ni waning sa mga sanga sanga at ang kanyang luha ay nagbunga ng napakaraming buto na nakasabit sa mga sanga sanga hanggang sa narinig niya ang boses ni bakaw.
"ASAWA KO ANG MGA BUNGANG MAHAHABA NA MAY KORONA AY MAGSISILBING IKAW HABANG BUHAY NA AKING REYNA, ANG MGA UGAT KOY MAGSISILBING PROTEKSIYON PARA SA INYO AT PATULOY NA LALAGO BILANG PAGMAMAHAL KO SAYO. MAHAL NA MAHAL KITA"
Mula noon ay nadiskobre na ni waning na itanim ang mga buto sa tabing dagat hanggang sa nagtutulong tulong lahat ng mga naiwang tribo para dumami ang mga ito para magsilbing ala-ala sa kanila ang bayaning si bakaw na kilala sa tawag ngayon na BAKAWAN.
Wakas...

BINABASA MO ANG
Alamat Ng Bakawan
Fiction HistoriqueAng alamat na ito ay kung paano nagsimula ang iniingat-ingatan nating bakawan ang isa sa likas na yamang nagbibigay proteksiyon laban sa kalamidad lalo na sa mga kapwa nating nakatira sa mga baybaying dagat. Ipinamalas din sa alamat na ito ang pagpa...