Prologue

119 1 0
                                    




Prologue


Noong bata pa ako, lagi ko iniisip kung bakit hindi binibigay ng panginoon ang lahat sa isang tao. Bakit kaya kelangan may kulang pa? Bakit kahit mayroon ka naman ng lahat na kailangan mo, lagi paring may kulang?  Mayroon paring puwang sa puso mo na hindi mapupunan ng kahit ano.

Habang nakatingin sa babaeng waitress na inilalapag ang aming pagkain, hindi ko mapigilang hindi malungkot. Nang nailapag na niya ang mga inorder namin ni daddy, nginitian ko na lang siya bilang pasasalamat. Nakaalis na ang serbedora pero hindi parin naiaalis ni daddy ang kanyang phone sa kanyang tenga. Malamang ay busy pa rin ito sa trabaho kahit day-off niya. Hindi ko pa ginagalaw ang aming pagkain dahil inaantay ko na matapos si daddy sa kanyang kinakausap para sabay na kaming kumain.

Nakalipas na ang ilang minuto, hindi parin siya natatapos sa kanyang kausap. Mabilis na nagsasalita si daddy ng Chinese at mukhang hindi pa matatapos ang kanilang usapan. Nang napansin ni daddy na hindi ko pa ginagalaw ang pagkain, mabilis niya namang kinausap ang kanyang katawagan pero di pa niya pinapatay ang tawag.

Tumingin sa akin si daddy at nagmamadaling sinabi, "Kumain kana, wag mo na akong antayin." Tumango ako bilang pagsang-ayon at nang makita ito ni daddy ay mabilis din siyang bumalik sa kausap niya.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahan na nagsalin ng pagkain sa aking pinggan. Kumain ako nang tahimik at di ko mapigilan na hindi mapa-ungol sa sarap. Makabalik nga dito minsan! Pero dapat kasama ko mga kaibigan ko. Kaso kelangan ko pa magpaalam kay mommy bago ako mag-aya na lumabas. Istrikta pa naman yun at ayaw niya akong lumalabas ng bahay dahil baka mapahamak daw ako. Nakakahiya kayang mag-invite tapos ikaw pala yung di papayagan. Ilang beses na nangyare yun pero atleast naiintindihan naman ng mga kaibigan ko. Hindi naman ata sila malulungkot kapag wala ako at tsaka marami naman kami sa barkada kaya malamang hindi ako kawalan para sa kanila. Pero nakakalungkot dahil tuwing vinuview ko yung mga stories nila at pati na rin ang mga posts nila, di ko mapigilang isipin na mas masaya sana kung nandoon ako. Hayyy, buhay. Simple na nga lang kahilingan ko, di pa maibigay-bigay.

Patapos na akong kumain at naiisip ko na baka maubos ko na tong pagkain namin. Saktong pagkaisip ko na uubusin ko na ang pagkain ay siya ring pagtapos ni daddy sa kanyang pakikipag-usap. Napailing-iling na lang si daddy habang nakatingin sa kanyang phone. Mukhang may problema sa opisina. Di ko mapigilang mag-alala kasi tuwing may problema si daddy feel ko maghihirap na kami. Natatakot ako dahil di ako sanay sa mahirap na buhay. Nasanay ako na laging binibili ang mga gusto ko kaso napansin ni daddy na medyo spoiled na ako kaya pag may tinuturo ako napapailing nalang si daddy at sabay tulak sa akin para maglakad papalayo. Medj masakit kasi...parang feel ko inilalayo sa akin ang taong mahal ko. As if naman nagkaboyfriend na ko haha! Pero kahit anong isip ko na paghahanda kung sakaling maghirap kami, hindi ko parin maitago na natatakot pa rin ako.

Sinabi ko ito kay daddy dati at ang sabi niya lang sa akin ay "Pag nangyare iyon Alyana ang una mong gawin ay maghanap ng trabaho. Wag na wag kang aasa sa mga kamag-anak mo o kahit pa sa mga kaibigan mo dahil magkakautang na loob ka pa. Tandaan mo na sarili mo lang ang maaasahan mo kapag may problem ka." At simula noon, ayaw na ayaw ko na nagkakautang na loob sa ibang tao kahit pa maliit na bagay iyan.

Tinago na ni daddy ang phone niya at nagsimulang na siyang kumuha ng pagkain na tinira ko. Medyo nahiya ako kasi konti nalang iyon pero wala naman sinabi si daddy at nagsimula na siyang kumain. Tapos na ako at nakatingin na lang ako kay daddy. Gusto ko sana tanungin kung anong gagawin para sa 18th birthday ko kaso nahihiya ako dahil hindi kami masyadong close ni daddy at hindi pa siya tapos kumain. Ayaw na ayaw pa naman ni daddy na nag-uusap habang kumakain kaya't inantay ko siyang matapos bago kumuha ng lakas na loob na buksan ang topic na iyon.

"Dad," maliit na boses na tawag ko.

Lumingon sa akin si daddy nang panandalian at habang nagphohone ay sinagot ako, "Yes?"

"Uhmmm...gusto ko sana tanungin kung ano gagawin para sa debut ko. Malapit na kasi dad and...ilang months nalang kaya kelangan na magprepare." Sabi ko sa isang nahihiyang tono. Kinakabahan talaga ako lalo na pagkausap si daddy. Ewan ko ba!

Tumigil sa pagphophone si daddy at napakunot ng noo. "Kailangan pa ba yan? Hindi ba pwedeng simpleng handaan nalang sa bahay niyo ng mommy mo?" seryosong tanong ni daddy.

Eto talaga ang pinaka ayaw ko kay daddy. Hindi siya mahilig sa mga bonggang events. Lagi niyang sinasabi na puro gastos nalang daw ang iniisip namin ni mommy. Sobrang opposite talaga nila kaya naghiwalay eh. Para kasi kay mommy, kelangan i-celebrate ang lahat ng mga special occasions sa buhay ng isang tao. Kahit magastos atleast daw may memories ka na madadala hanggang sa pagtanda mo. Agree naman ako kay mommy kaso si daddy ang kumikita sa kanila eh kaya di ako makapalag.

"Daddy....kaso....kasi..."gosh nauutal pa ako. Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang nakahandang sasabihin.

"Gusto ko kasi magdebut, isang beses lang naman to dad at...gusto ko i-celebrate ang legality ko. Yung mga friends ko nagdebut na and...ang ganda ng gowns nila and ang ganda rin ng mga pre-debut shoots nila. Gusto ko sana ng ganun rin." Crossed fingers ko tinapos ang maiksi kong persuasive speech at napatingin kay daddy na sobrang natatawa ang mukha.

Huminga ng malalim si daddy, tila may gusto na ipaintindi sa akin. "Alyana, okay lang sakin magcelebrate ka ng 18th birthday mo." Napangiti ako sa sinabi ni daddy feel ko papayag na siya... "kaso kung gusto mo ituloy yan, maliit nalang na salu-salo sa bahay ang gawin niyo. Just invite your family members...tutal close naman kayong magpipinsan."

Di ko mapigilang hindi maluha sa sinabi ni daddy. Minsan talaga ang sarap isigaw lahat ng hinanakit ko sa kanya kaso siya ang nagbibigay ng pera sa amin dahil si mommy nag early retirement na at wala siyang kahit anong income. Iniisip niyo na masyado akong mareklamo sa buhay kaso kahit ibinibigay ni daddy yung mga kailangan ko, kulang parin ang lahat dahil ang gusto ko ay atensyon, pag-unawa, at pagmamahal na dapat ibinibigay ng isang ama sa kanyang anak. Nagpapasalamat naman ako dahil naglalaan naman si daddy ng isang araw para makasama niya ako kahit na puro trabaho parin ang ginagawa niya habang namamasyal kami.

Pinigilan kong umiyak sa harap ni daddy dahil ayokong nakikita ng ibang tao ang kahinaan ko. Para sa akin, sobrang pathetic tingnan dahil ang babaw lang ng rason kung bakit ako naiiyak. Pinilit kong hindi manginig ang boses kahit gusto ko ng maluha dito. "Okay d-dad, if that's what you want...I'll just celebrate it at home with mom." malungkot kong nginitan si daddy kahit sa loob-looban ko ay gusto ko nalang umuwi at magtago sa kwarto dahil sa kahihiyan.

Akala ko talaga pagbibigyan ako ni daddy sa gusto kong debut. Masipag naman ako at nag-aaral ng mabuti. Never ko pang nadisappoint si dad kaya di ko talaga alam bakit hindi niya ako mapagbigyan. Nag-iisa niya rin akong anak na babae kaya dapat masaya siya dahil mag-eeighteen na ako diba? Ayaw ba niyang i-celebrate yun? Ayaw ba niyang maisayaw ako sa birthday ko? Ayaw ba niyang makita ako na nakaayos at nakagown?

"Alright, that's settled then." biglang sabi ni daddy. "Bigyan nalang kita ng pera at ikaw na bahala magbudget. Just buy some food and a cake. Mas makakatipid pa ako kaysa gumastos pa sa isang debut na isang gabi lang gaganapin. If may natirang pera diyan, sayo nalang yun. Just buy whatever you want okay? Yun na ang gift ko sayo." His tone is marked with finality. Yung tipong planado na ang lahat at di ka na makakapalag.

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Tinago ko na rin ang phone ko na naglalaman ng lahat ng plans na gusto ko sabihin kay daddy para sa "debut" ko. Pinaghandaan ko tong pagkikita namin ni daddy pero ni isa sa gusto kong sabihin ay hindi ko na nasabi. Naghanda na rin ako ng theme na gusto ko kung sakaling pumayag nga si daddy kaso narealize ko na kapag masyado kang nageexpect sa isang bagay, mas lalo lang itong hindi mangyayare. Mas lalo lang itong magiging isang pangarap na kahit kailan...hindi mapapasayo.

Kapag Nalaman Mo NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon