Kabanata 6: Isang sharpshooter

72 0 0
                                    


Kabanata 6

Isang sharpshooter


I'm bored.

Yun lang ang tangi kong naisip habang nag-aantay sa labas ng clinic. Wala kaming imikan ni daddy dahil busy ito sa phone niya. As usual.

"Ms. Arellano?" tawag ng isang babaeng may hawak na clipboard.

"Here!" tinaas ko ang aking kamay para makita niya ako sa pila ng mga pasyente.

"Kayo na po next."

Iginiya niya kami papunta sa loob ng clinic at nakita ko ang doktora na may binabasang mga records. Nang nakapasok na kami ay saka siya nag-angat ng tingin.

"Hi! Good afternoon po! Have a seat." nakangiti niyang bati samin. "So what's the concern that we have here?" tanong niya.

"Alyana sabihin mo kay doktora kung ano ang nangyare sayo." seryosong sinabi ni daddy. Idinerekta ni doktora ang atensyon niya sakin.

"Uhm..kasi po doc, yesterday nakafeel po akong ng dizziness habang PE class namin."

"Okay, do you feel easily tired than usual?" tanong sakin ni doktora habang nagtatake down siya ng notes.

Napaisip ako sa tanong ni doktora at narealize ko ngang madali na akong mapagod this past few months at kahapon lang ako nakaramdam ng pagkahilo.

"Yes po."

"Okay so regarding your period. Is it heavy? Meaning do you need to change your pads too often than usual. Let's say...every 2 hours or even an hour?" patuloy na pagtatanong niya sa akin.

"Uh..." tiningnan ko muna si daddy bago sumagot. Ang awkward. Pero parang wala namang pakealam si daddy dahil seryoso lang siyang nakikinig sa usapan namin ni doktora.

"Actually doc, simula po nung nagstart akong magkaroon...sobrang heavy na po siya to the point na I wear...a diaper...sometimes." nahihiya kong sagot.

"Ohhh I see. Naglalagas ba ang buhok mo?" kinikilabutan na ako sa mga tanong ni doktora kasi parang dinededuce niya lahat ng symptoms ng isang malalang sakit.

"Opo doc. Pero diba common naman yun sa lahat?"

"Yes it's common pero pwede rin kasi itong maging excessive hairfall." pagpapaliwanag niya sakin.

"Okay last na, do you get easily irritated or angry?"

"Uh...yes po pero...nangyayare lang yun kapag...iniinis ako?" natawa nalang si doktora sa sagot ko.

"Based dito sa results ng blood test mo from last week, below average na ang thyroid hormones mo. Meaning hindi na masyadong active sa pagproduce ng hormones ang thyroid mo and we call this as hypothyroidism." seryosong sinabi ni doktora.

"So doc, how will it affect my daughter? Malala po ba ito?" tanong naman ni daddy.

"Ayon sa nakikita ko, yung case ni Alyana ay mild lang. It can be cured pero it will be a lifetime treatment. Meaning, she needs to drink her medicine religiously because this will serve as a hormone replacement. Usually, ang mga patients na may hypothyroidism ay madaling mapagod and mag gain ng weight. Ironic right? But she needs to be physically active para tumaas ang tolerance niya sa fatigue and para na rin mamaintain ang kanyang pangangatawan." sandaling natahimik si doktora na tila may masama siyang ibabalita bago siya nagpatuloy.

"Sir, I'm sorry to say this pero...mahihirapan si Alyana na magkaanak. If ever na mabuntis man siya, there is a great possibility na magkaroon ng abnormality ang baby niya."

Hindi ko alam kung paano magreact sa mga narinig mula kay doktora kasi hindi pa naman sumasagi sa isipan ko ang magkapamilya. But thinking about it right now...nakakalungkot dahil bilang isang babae gusto ko rin magkaanak at...bumuo ng sarili kong pamilya.

"So doc baog ang anak ko?" bulalas na tanong ni daddy na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"We can put it that way but we can't classify her as totally barren kasi may maliit parin po na chance na makabuo siya." sagot ni doktora na tila ba makakapagpagaan ito sa sitwasyon.

"I see." matipid na sagot ni daddy.

"Don't worry matagal pa iyon at tsaka...bata ka pa naman. You're just 17. Aral ka muna." natatawang sinabi ni doktora sakin.

Tama naman si doktora. Bakit ko ba iniisip yun? Ang dami ko pang priorities. Ang dami ko pang hindi nagagawa sa buhay kaya wag ko muna isipin ang pagpapamilya. Wala rin naman akong boyfriend kaya erase erase muna yan.


"So, how did it go?" tanong ni mommy pagkauwi ko. Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa sumalampak ako sa sofa.

"Fine." matipid kong sagot.

"Just fine? Anong klaseng sagot yan? Tell me what happened. Dali!" nakadirekta ang buong atensyon ni mommy sakin.

Atat na atat ah! Di ba pwedeng magpahinga muna ako?

"May hypothyroidism ako." diretsahan kong sagot para matigil na siya.

"WHAT??" histerikal na sigaw ni mommy. Napatakip nalang ako sa tenga dahil sa sobrang lakas. Nabingi ako dun ah!

"Mom stop shouting! Nakakahiya sa kapitbahay!" umayos si mommy saka lumapit sa akin.

"What does that mean?" kuryoso niyang tanong.

Ayoko ng mag-explain dahil tinatamad na ako kaya kinuha ko nalang ang phone ko at nagsearch ng patungkol sa sakit ko. Nang nakahanap na ako sa internet ay ipinakita ko ito kay mommy. Tahimik niya itong binasa at ng matapos na siya ay tinitigan niya lang ako.

"What?" tanong ko kay mommy dahil naccreep out na ako sa paninitig niya.

"Anak...sign na ito."

"Sign of what?" nagtataka kong tanong.

"Na isa kang...single blessedness!" maligayang sagot ni mommy.

Wait. Single what?

"Alyana...dahil mahihirapan kang magkaanak baka destined ka to be single. It's a gift you know." pag-eexplain ni mommy.

Am I supposed to be happy? Magpapafiesta na ba ako ngayon?

"Whatever mom. Matutulog na ako." tumayo na ako at nagtungo na sa aking kwarto.

"Remember anak! It's a blessing!" pahabol na sigaw ni mommy bago ko naisara ang pinto sa aking kwarto.

Kinabukasan ay kwinento ko kay Daisy ang nangyare sa check-up ko pati na rin yung sinabi ni mommy sa akin.

"HAHA! I like tita na!" natatawang sinabi ni Daisy.

"Tsk! Anong nakakatawa run?" inirapan ko nalang siya kasi tawa parin siya ng tawa.

"Huwag ka nga magtaray diyan! Blessing daw yang kalagayan mo. Blessing!"

Hay! Wala na talaga akong makausap na matino. Parehas lang sila ni mommy. Mga weird.

Di ko nalang siya pinansin. Ayaw ko ng patulan ang pang-aasar niya.

"Alam ko na kung ano ang kailangan mo Alyana!"

"Ano naman yan? Siguraduhin mo lang may sense yang sasabihin mo ah." tamad ko lang siyang tiningnan habang inaantay ang sasabihin niya.

"Ang kailangan mo ay isang lalake na...sharpshooter!" natatawa niyang sinabi.

"Ha? Anong sharpshooter?" nagugulugan kong tanong.

"Yung ano...makakabulls-eye para mabuntis ka! HAHAHAAHA!" patuloy lang siyang tumawa habang ako ay napailing-iling nalang sa sinabi niya.

Baliw talaga tong babae na to pero...napaisip rin ako sa suggestion niya.

Sharpshooter para makabulls-eye? Not bad.


Kapag Nalaman Mo NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon