Kabanata 1: Ang reyalidad

82 0 0
                                    




Kabanata 1

Ang reyalidad


Tinulugan ko nalang ang nangyare dahil alam kong wala na talaga akong magagawa. I guess...I just have to suck it up dahil hindi naman ako ang bumubuhay sa sarili ko. Pero kung dumating na ang panahon na may sarili na akong trabaho at nakakaipon na ako ng pera, ipinapangako ko sa sarili ko na i-eenjoy ko ang buhay ng isang dalagang Pilipina! Gagawin ko ang lahat ng mga bagay na hindi ko nagagawa ngayon at mabubuhay ng walang pagsisisi.

Pagkatapos naming kumain ni daddy ay namasyal pa kami ng konti bago umuwi sa kanya-kanyang tirahan. Hindi na inopen ni daddy ang topic patungkol dun at wala na rin akong balak pag-usapan pa yun. Nakakahiya talagang umasa! Kainis!

Nakatingin lang ako sa kisame habang nakahiga sa aking kama. Hindi ko kayang makinig sa katahimikan kaya nag earphones ako at nagplay ng music. Saktong-sakto ang kanta na nagplay sa nararamdaman ko ngayon ah! Parang ipinaparating sa akin na wala akong karapatang malungkot dahil may mga tao na mas naghihirap pa kaysa sa akin at may mga tao na may mas malaking problema pa kaysa sa debut debut na pinoproblema ko. Salamat sa lyrics at may sumampal din sakin ng reyalidad.

Ohhhh, what can I do?

Life is beautiful, but you don't have a clue

Sun and ocean blue,

They're magnificent,

It don't make sense to you

"Black beautyyyy...ohhhhhhh..." sinabayan ko na ang kanta total wala namang nakakarinig sa akin.

"Black beautyyyy.....ohhh....ohh...oh" di ko na napigilang umiyak. Parang lahat ng sama ng loob na tinago ko kanina ay ngayon na lumalabas. Bwiset na mga luha to! Ayoko talagang umiiyak lalo na't ang babaw ng rason. Hinawakan ko yung bibig ko para pigilan ang pag-iyak pero mas lalo lang lumabas ang mga ito. Naiinis ako sa sarili ko kasi kaya kong magmukhang matapang sa harap ng ibang tao pero ang bagay na kaya kong gawin para sa iba ay hindi ko kayang gawin para sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at patuloy na pinakalma ang sarili ko hangga't sa nakatulog na ako dahil sa pagod.

Kinabukasan ay maaga na akong nagising dahil maaga pa darating ang school bus kaya 4:30 palang ng madaling araw ay naghahanda na ako para sa 7am na pasok ko. Pero kasi di lang ako ang sinusundo ng school bus. Marami kami at yung iba pa sa mga busmates ko ang tagal bago pa lumabas ng bahay nila. Parang akala nila private car and private driver nila ang nag-aantay para sa kanila. Ang di nila alam ay kapag "pagong-pagong" pa silang kumilos ay malilate na kaming lahat kahit maaaga pa akong nagising. Sayang lang lahat ng effort! Masyadong mabait ang bus driver namin kaya ako na ang nagsasabi na agahan naman nila paminsan-minsan pero grabe...seneryoso nga nila ang paminsan-minsan!

Tumayo na ako para maligo dahil sinestress ko lang ang sarili ko sa kakaisip sa mga busmates ko. Pasalamat sila at iniisip ko pa sila ah! Pag labas ko ng kwarto ay naroon na si mommy sa kusina at naghahanda ng breakfast ko at baon.

"Magbihis ka na ng uniform at maupo ka na. Malapit na ako matapos dito." sabi ni Mommy habang nakatalikod at nag-aayos ng makakain.

Hindi na ako sumagot at sumunod nalang ako sa sinabi niya. Nagbihis na ako at bumalik na sa dining table kasama ang school bag ko para deretso na alis. Naglatag na si mommy ng breakfast at nagsimula na akong kumain.

"Pinapahangin ko lang yung baon mo kasi mainit pa. Ikaw na magligpit niyan bago ka umalis at matutulog na ulit ako." tumalikod na si mommy pagkatapos sabihin yun pero narinig ko pa yung pahabol niya "Ba't kasi ang aga ng pasok mo? Naiistorbo tuloy tulog ko!" naiinis niyang sinabi bago pumasok sa kwarto niya at sinarado nang malakas ang pintuan.

Kapag Nalaman Mo NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon