Kabanata 12: First name

64 0 0
                                    


Kabanata 12

First name


Nang nakauwi na ako ay agad akong tumakbo sa aking kwarto at sumalampak sa aking higaan. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko kaya niyakap ko ang aking unan saka sumigaw rito. Ugh! I think I'm going crazy!

Nagpagulong-gulong ako sa higaan hanggang sa naalala ko na kailangan ko pa palang sabihan si daddy.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagtipa ng sasabihin. Minessage ko siya tungkol sa napag-usapan namin ni engineer kanina. Ugh! Engineer! Ano ba ang pangalan mo? Di bale! Bukas ay malalaman ko rin.

Me:

Daddy bukas lang ng 4pm available si engineer.

Sabi niya ay sa Angel's Café nalang daw tayo magkita.

If ok lang daw sayo.

Ilang minuto bago ako nakatanggap ng reply mula kay daddy at agaran naman ang pagbukas ko rito.

Daddy:

Ok. I'll be there.

Yun lang? I thought he's gonna say something more. Anyways, paano ba ito? Makakatulog pa ba ako? I kinda feel excited and nervous for tomorrow.

Paano kung hindi siya magustuhan ni daddy. As if naman, manliligaw siya pero kasi...Ughhh! Alyana, don't let your hopes up! He's out of reach...very out of reach and you're still studying. Malamang ay may girlfriend na din siya. Hindi na ako magugulat kung meron nga dahil full package na siya. Gwapo, matangkad, matipuno, at may magandang trabaho. What else can you ask for? Right?

I tried to fall asleep pero hindi ko magawa. Gising na gising parin ang diwa ko hanggang sa umabot na ng ales tres ng madaling araw. Great! Now I only have 1 hour and 30 mins to sleep.

Pagkagising ko ay sobrang puyat ang naramdaman ko. Ugh! I want to sleep some more pero hindi na pwede dahil kailangan ko ng maghanda para sa school. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin at hindi na ako nagulat sa nakita ko. I looked like a zombie. I tried to put on some concealer para matakpan ang aking dark circles. Naglagay na rin ako ng kaonting tint sa aking pisngi at labi para hindi naman ako magmukhang patay. Why am I suddenly concerned about my appearance? Last time I checked ay wala naman akong pake kahit na hindi na ako mag-ayos. Ugh! Bahala na nga!

Pagpasok ko ng classroom ay sumalampak na agad ako sa aking upuan para maka-idlip ng kahit konti. Kinalabit ako ni Daisy pero hindi ko ito pinansin. Kinalabit uli niya ako kaya hindi ko na napigilang bugahan siya.

"DAISY! Tigil-tigilan mo ako at may utang ka pa sakin kahapon!" pagbabanta ko sa kanya.

Narinig ko siyang tumawa sa tabi ko. "Excuse me! You should thank me dahil kung hindi kita tinulak ay baka hindi mo pa nagawa yung utos sayo."

Hinarap ko siya para sa aking rebuttal. "Kasama pala roon ang pag-iwan sakin huh?"

Nagpeace sign siya. "Sorry na okay? Pero ayaw mo nun! Iniwan ko kayo para makapagmoment kayong dalawa." nakangiti niyang sinabi.

Inirapan ko siya. "Anong moment moment ka diyan? Baliw ka talaga! Tigil-tigilan mo nga ako!"

"Whatever! So going back, anong nangyare? Pumayag siya?" kuryoso niyang tanong.

"Tingin mo sasagutin ko yang tanong mo? No way! Magdusa ka diyan."

Yumuko na ako sa aking desk para matulog pero eto talagang si Daisy ay ayaw akong tantanan.

Kapag Nalaman Mo NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon