Kabanata 5: Bola

80 0 0
                                    




Kabanata 5

Bola


"Oh! Nahuli ba tayo?" natatarantang salubong sakin ni Daisy. Natawa nalang ako sa mukha niya kasi mas mukha pa siyang stressed kaysa sakin.

Kahit naman mapagalitan ako ay hinding-hindi ko babanggitin ang pangalan niya kay mommy. Luckily, pagkauwi ko noong Saturday ay wala namang tinanong sakin si mommy na hindi ko kayang sagutin. Malamang. Sa pamamagitan ng...pagsisinungaling.

"Diba sinabi ko naman sayo na hindi tayo mabubuking." sagot ko sa kanya tsaka nilapag ang bag ko sa desk.

"Hay buti naman. Di mo ba alam na buong weekend yun yung iniisip ko! Akala ko nga patay kana kasi di ka manlang nagtext kung nakauwi kana!" pagrereklamo niya sakin.

Shux! Di ko manlang naisip na magtext. Masyado kasing preoccupied yung utak ko sa pag-iisip ng mga sasabihin kay mommy pagkauwi ko.

"Omg! Sorry! Daisy nakalimutan ko!" nagsisisi kong sinabi sa kanya. Masungit niya lang ako tiningnan.

"Dapat lang noh! Nag-alala ako! You know? You should break that bad habit. Ano pang purpose ng phone mo kung di mo gagamitin? Pamprops?" natatawa niyang sinabi sakin. Patuloy nalang akong nagsorry sa kanya kasi alam kong mali nga ako.

Habang nagsosorry ako ay may kinuha siya sa bag niya. Inabot niya sa akin ang isang puting envelope.

"Oh eto! Yung pay mo para sa photoshoot nung Saturday." kinuha ko yung envelope at tiningnan ang loob. Puro cash na tig-lilimang daan!

"4,500 yan." nakatingin na ako kay Daisy dahil masyado tong malaki para sa iilang pagpopose ko para sa photoshoot na yon.

"Wag mo akong tingnan ng ganyan. Mukha kang isda na nasa lupa."

Binatukan ko siya. Grabe namang comparison yun! Isda? Talaga? Di ba pwedeng nashock lang?

"Aray!" reklamo niya sakin.

"Bakit isdang nasa lupa? Anyway, ang laki neto ah! Pasabi kay Tita Rose na thank you rito." nakangiti kong sinabi kay Daisy.

"Whatever." inirapan niya nalang ako tsaka umupo nang maayos kasi pumasok na si Mr. Dimatibag.

PE class namin ngayon and guess what? You're right! One of my least favorite subjects.

"So girls! Magpplay tayo ng volleyball ngayon." maligayang announcement ni Mr. Dimatibag.

Wow. Just wow. Pangit na nga nung subject. Pangit pa nung sport na gagawin namin. Just thinking about playing volleyball gives me chills. Hindi sa nag-oover react pero kasi natrauma na ako. Naalala ko nung intramurals namin, nakaupo ako sa mga benches habang pinapanood ang mga kaklase ko na naglalaro ng volleyball. Magaling sila kaya napatunganga na rin ako habang pinapanood ang laro.

Nakita kong isserve na ang bola at yung kaklase ko na ito ay may malakas na pulso. Meaning mabigat ang kamay neto. Kaya tuwing nagtatawan sa classroom, iniiwasan siyang makatibi ng mga tao kasi ang sakit niya manghampas. As in. Sobrang. Masakit. Nasampolan na nga ako neto eh at literal na bumakat yung kamay niya sa braso ko.

Nakataas na ang kamay niya at ready na siyang hampasin ang bola. Inexpect ko na pupunta ang bola sa kabilang court. Kung kaya't nung nakita ko eto na papunta sa akin ay hindi na ako nakapagreact pa. Bigla nalang akong nakaramdam ng sakit sa mukha ko kasabay ng isang malakas na kalampag. Nagsigawan ang mga kaklase ko pero hindi ko na ito pinansin kasi nayayanig pa ang utak ko.

"ALYANA!!!"

"ALYANA! Ok ka lang?"

Mukha ba akong ok? Ikaw kaya matamaan ng bola sa mukha! Napasinghap nalang ako at nakaramdam ng pagtulo mula sa ilong ko. Hinawakan ko eto at nakita kong may dugo ang daliri ko. Unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo. Dumidilim narin ang paningin ko hangga't sa hindi ko na kinaya at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Kapag Nalaman Mo NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon