Kabanata 4: First time

85 0 0
                                    




Kabanata 4

First time


Saturday na. Ang araw na hinihintay ko. Sinabi sakin ni Daisy na sa school nalang kami magkita para sabay kaming pumunta sa studio kung saan gaganapin ang photoshoot. Nagpaalam ako kay mommy na lalabas kami ni Daisy. Pumayag naman siya pero kailangan nakauwi na ako bago mag 5. Pinagkakatiwalaan ni mommy si Daisy kasi alam niyang bestfriend ko ito at nameet niya na rin in person. Approve naman si mommy kay Daisy dahil mukha naman daw siyang hindi bad influence. Kung alam lang ni mommy kung sino ang bad influence sa amin ni Daisy ay magugulat nalang siya.

Hindi ko sinabi kay mommy na may pupuntahan akong photoshoot. Ang paalam ko lang ay lalabas kami ni Daisy para magmall. I know masama ang ginawa ko pero alam kong hindi papayag si mommy kapag nalaman niya na related sa modelling ang gagawin ko. Kaya ngayon, naghihintay ako sa bench para kay Daisy at nananalangin na hindi ako mabuking ni mommy.

Nakarinig ako ng busina sa harap ko at nakita kong nakabukas ang bintana ng sasakyan. Lumabas ang ulo ni Daisy at kinawayan ako para lumapit na at sumakay.

"Buti naman at pinayagan ka." salubong sakin ni Daisy pagsakay ko.

"Hindi ko sinabi na photoshoot ang pupuntahan natin."

"WHAT???" malakas na tanong ni Daisy. Napatingin sa amin ang mommy niya na si Tita Helen na nasa harapan at sinulyapan kami sa rear view mirror.

"Alyana masama yang hindi nagpapaalam." seryosong sabi ni Tita Helen habang nagmamaneho.

"Alam ko po tita. Pero wala na akong choice kasi alam kong hindi ako papayagan ni mommy." miserable kong sinabi.

"Alyana! Pano nalang kung mabuking tayo ni tita?" halatang nagpapanic na si Daisy dahil mukha ng natataranta ang mukha niya.

"Hindi tayo mabubuking." simple kong sagot. At sana nga'y hindi.

Huminga nalang siya ng malalim at nanatiling tahimik hanggang sa nakarating na kami sa studio.

Pagpasok na pagpasok palang namin ay halatang busy na ang lahat ng tao. Pinuntahan namin ang tita ni Daisy at makikita mo kung gaano siya ka fashionista. Nagulat ako dahil batang-bata pa ito at sure akong ilang taon lang ang tanda niya sa amin ni Daisy. Naka all white jumpsuit ang tita niya at naka stilettos. Sobrang sophisticated ng suot niya. Para sakin, papasa na siya bilang model.

"Tita! How are you?" maligayang bati ni Daisy sa kanya at nakipagbeso beso pa ito.

"I'm good Daisy! Nako! Nagdadalaga na ang pamangkin ko ah!" even her voice sounds classy. Napatingin nalang ako sa kanya habang nagbabatian sila kasama ang mommy ni Daisy.

"Hi Tita! Eto nga pala si Alyana! Alyana, si Tita Rose." pagpapakilala sa amin ni Daisy. Nakangiting tumingin sa akin ang tita ni Daisy. Sinuklian ko din ito ng isang matipid na ngiti kasi medjo naiilang ako kapag pinapakilala ako sa ibang tao.

"Siya pala tita yung sinasabi ko sayong kaibigan ko na gusto kong irecommend bilang model sa clothing line mo."

"Ohhh I see! Hi Alyana! Nice meeting you! Just call me Tita Rose." nakingiti niyang sinabi sakin saka niya ako niyakap. Nagulat ako pero hindi ko pinakita ang pagkabigla sa mukha ko. Kumalas na siya sa yakap saka niya ako hinila.

"Daisy! Ate! Dalhin ko na ito si Alyana sa dressing room para makapagprepare na siya. By the way, san kayo after?" nakangiti niyang tanong kela Daisy at Tita Helen.

"Balak namin panoorin yung shoot pero diba mamaya pa yun kasi matagal tagal pa yung preparations?" tanong ni Tita Helen.

"Yes ate, maya-maya pa yun."

Kapag Nalaman Mo NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon