Kabanata 2: Ang alaala

79 0 0
                                    


Kabanata 2

Ang alaala


Nakauwi na ako ng bahay at nakita ko si mommy na nanunuod ng TV. Tumingin lang siya sa akin at sinabi na nasa lamesa na daw ang hapunan. Tumango nalang ako at dumiretso na sa aking kwarto. Humiga muna ako sa kama dahil sobrang nakakapagod ang araw na ito. Ang hirap talaga pag graduating na. Ang raming pinapagawa at dagdag pa ang thesis na yan.

Tiningnan ko yung labas ng bintana at nakita kong padilim na ang kalangitan. Ang aga ng pasukan tas ang late ng uwian. Mas matagal pa akong nasa school kaysa sa sarili naming bahay. Nice! Pinapatay na ata nila ang mga estudyante ngayon.

Umupo na ako saka kinuha ang aking phone sa bag. Tinitigan ko muna ang pangalan ni daddy bago huminga ng malalim at pinindot ang dial. Naka-apat na ring bago tuluyang sumagot si daddy.

"Hello daddy." Shet! Bat ako kinakabahan!

"Yes hello?" seryosong sagot ni daddy.

"Uhm...dad may kelangan ako para sa project namin." halatang nahihiya yung boses ko. Ayoko talagang humihingi ng favor kay daddy kasi di talaga kami close.

"Oh ano yun? Dalian mo lang kasi may trabaho pa ako." nagmamadaling sagot ni daddy. Shux! Naistorbo ko pa! Kapalan na nga lang ng mukha!

"Dad may kakilala ka bang entrepreneur na nasa...engineering or construction industry?" bulalas kong tanong kasi naman nagmamadali na ang tao eh.

"Meron naman! Ano ba yang project mo?"

"Uhm..mag-iinterview daw kami ng entrepreneur tas gagawan ng written output. Dad if ever may kakilala ka, pwede mo ba akong isched ng interview?" nagpaikot-ikot ako sa kama dahil naiihi na akong matapos ang usapan na to.

"Let me see. Di pa ako sure kasi yung kakilala ko ay sobrang busy na tao. Pero susubukan ko and if ever pumayag siya tatawagan nalang kita. Okay? Sige na mauna na ako I'm busy." bago pa ako makapag ba-bye ay pinatay na ni daddy ang tawag. Napatingin nalang ako sa phone ko at napahinga ng malalim. That wasn't so bad, was it?


Kinabukasan habang kumakain kami sa canteen ni Daisy kasama ang iilang kaklase namin ay narinig kong nagkekwentuhan ang mga ito tungkol sa mga jowa nila. Napailing nalang ako dahil para silang mangingisay sa tuwa dahil dadaan daw ang mga ito sa school mamayang dismissal. Naungasan pa ako ng mga ito. Di naman kagandahan. Not to judge but I'm just stating a fact.

Pero realtalk, nagtataka yung bestfriend ko nung una kaming nagkakilala kung bakit nbsb daw ako. Eh maganda naman daw ako, maputi, matangkad, at matalino kaso mukhang mataray. Sabi pa nga niya sakin ay kahawig ko daw yung leading actress sa A Love So Beautiful. Nakalimutan ko na nga yung pangalan kasi Chinese eh. Ang hirap pa ipronounce.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa akong boyfriend. Wala namang nangahas na manligaw sakin. Meron naman akong mga crush kaso pag nagpakita na sila ng interes sa akin ay natuturn-off na ako. Mas gusto ko yung may thrill. Ewan ko ba! Weird lang talaga ako. Mas trip ko rin yung mga mas matanda kaysa sakin kasi feel ko mas mature sila and mas maraming...you know...experience...sa...Erase! Erase! Ano ba yang iniisip mo Alyana!

"Oh anong tinutunga-tunganga mo diyan Alyana?" tanong ni Tanya sakin, isa sa mga kaklase ko.

"Wala naman. May naalala lang." matipid kong sagot at patuloy na kumain ng binili kong burger.

"Sus! Magjowa kana kasi para may inspiration kana HAHAH!" pang-aasar sakin ng isa ko pang kaklase.

"Tse! Di ako easy tsaka mataas standards ko." sagot ko sa pang-aasar nila.

Kapag Nalaman Mo NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon