Ninety Nine Years Ago
MAG-ISANG naglalakad ang payat at madungis na lalaki sa gitna ng kalsada habang umuulan. Yakap yakap ang kalahating piraso ng loaf bread na nababalutan ng dahon upang hindi ito mabasa ng ulan.
Ito lamang ang kayang bilhin ng kaniyang kinita sa pagtatrabaho sa bayan bilang isang kargador.
"Hoy pulubi ano ba 'yang daladala mo?" ani ng estrangherong lalaki na bigla na lang humarang sa kaniya sa daan kasama nito ang dalawa pang lalaking may hawak na sibat at palakol.
"Paumanhin mga ginoo, ito'y isang kakarampot na tinapay lamang. Wala akong maibibigay na salapi sa inyo." ani ng payat na lalaki.
"Ibigay mo na lang 'yan sa amin. Kung ayaw mong masaktan." maangas na wika ng lalaking may hawak na sibat.
"Hindi maaari. Para lamang ito sa aking pamilya. Maawa kayo mga ginoo. Tiyak na naghihintay na ang pamilya ko sa akin." nag-mamakaawang wika ng lalaki.
"Tsk. Sinabi na ngang amin na 'yan eh!" sigaw ng lalaking may hawak na palakol at bigla na lang siyang tinadyakan sa kaniyang sikmura. Sumunod naman ang dalawa upang pagtulungan ang kawawang pulubi.
"Pakiusap! Maawa kayo!" umiiyak at nanghihinang pakiusap ng lalaki nang maagaw ng mga ito ang napirasong tinapay na iniingatan niya.
Nang maagaw ito nang lalaki ay kumagat ito sa tinapay, halata sa mukha nito ang pagka disgusto sa lasa nito. "Anong klaseng tinapay naman ito? Mukhang hindi na nga masarap, ang pangit pa ng lasa! Pweh!" ani ng lalaki nang maalis ang dahon na nakabalot rito at nandidiring itinapon sa maputik na kalsada ang tinapay at pinagtatapak ito hanggang sa mahalo na sa putikan.
"Kapkapan niyo." utos ng lalaking may palakol sa dalawa niyang kasamahan.
Pinagtulungan naman ng dalawa ang kaawa awang pulubi. Ngunit wala silang makita kahit na isang barya. "Wala pinuno." ani ng may hawak na sibat.
"Tsk. Walang kwenta. Tara na nga, nagsasayang lang tayo ng oras sa pulubing 'yan." ani nito at nagsimula nang maglakad palayo sa kawawang pulubi.
Walang nagawa ang pulubi kundi ang umiyak. Hindi niya alam kung ano ang ipapakain sa kaniyang nagdadalang taong asawa at limang mga anak.
Tanging mahinang pag-iyak na lamang ang kanyang nagawa habang nasa gitna ng kalsada at naka yakap sa kanyang giniginaw na katawan.
"Kailangan mo ba ng isang himala." malalim na boses na isang matandang babaeng naka-suot ng itim na kapa at natatakpan ang kaniyang mata hanggang sa ilong nito.
"Kahit isang pirasong tinapay lang." ani ng lalaki halos panawan na nang pag-asa sa panghihina. Hindi niya na rin magawang bumangon pa sa maputik na kalsada.
"Hindi lang 'yon." sagot nito.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang wika nito at 'saka unti-unting bumangon.
"Hindi lang 'yon ang matatamasa mo kapag umayon ka sa aking kundisyon." wika naman ng matandang babae.
"Ano ang 'yong kundisyon kung ganun?" desididong tanong ng lalaki.
"Matatamasa niyo ang hindi mabilang kaginhawaan at karangyaan sa loob ng isang libong taon sa isang kundisyon. Makinig kang mabuti, magkakaroon kayo ng isang supling na magdadala ng kamalasan sa inyong pamilya hanggang sa susunod na salin lahi ng inyong angkan. Isang sakripisyo para sa kabutihan ng lahat." ani ng matanda.
Hindi na nagdalawang isip pa ang lalaki at agad na pumayag sa sinabi nang estranghera. "Sige, pumapayag ako." desididong sagot ng lalaki.
Agad namang inilahad ng matandang babae ang kaniyang palad. Mabilis naman nakipagkamayan ang lalaking pulubi.
Nagulat siya nang may lumabas na itim usok mula sa nagsalikop na palad nilang dalawa. Hanggang sa pumalibot ang itim na usok sa kanilang paligid at humulma ng pigura ng isang malaking ahas. Habang ang matandang babae naman ay nagsimula nang magbanggit ng isang ritwal.
Hanggang sa unti unti itong lumiit at pumulupot sa kaniyang kanang braso.
"Ang brasong iyan ang ihahaplos mo ang tyan ng iyong asawa pagsapit ng kabilugan ng buwan. Kasabay ng pagbanggit mo sa mga salitang, tha chrisiméfsete os prosforá gia ton ploúto kai tin ánesi pou tha apoláfsoume." ani ng matandang babae na unti unti nang naglalaho na sa hangin.
Mabilis na tumakbo ang lalaki pabalik sa kanilang tahanan. Ngunit habang tinatahak niya ang daan pauwi sa kanila ay may nakita siyang isang basket ng pagkain na naglalaman ng tatlong klase ng tinapay at sampong hiwa ng karne.
"Sino naman ang nag-iwan nito rito?" nagtatakang wika ng lalaki habang patingin tingin sa kaniyang paligid. Ngunit sa kagustuhang may madalang pagkain sa kaniyang pamilya ay nagmadali na siyang pinulot ang basket na naglalaman ng pagkain at umuwi sa kanilang tahanan.
♣♣♣
"Ahhh!!!" daing ng kaniyang asawa habang nanganganak ito.
"Ayan na nakikita ko na ang ulo Rita. Sige pa, i-iri mo pa." ani naman ng ginang.
"Ahhh!" malakas na daing ng babae hanggang sa mailuwa niya na nga ng tuluyan ang kaniyang sanggol at madinig ang iyak nito.
"Diyos ko!" gulat na bulalas ng ginang nang makita niya ang bata.
"A-ano pong nangyari?" nagtatakang wika ng asawa nito at mabilis na pumasok sa kanilang silid. Nagulat siya nang makita niya ang kalahating parte ng kaniyang anak na lalaki.
"Isang halimaw. Hindi mo ito anak Pael! Isa itong taong ahas! Na-engkanto ang asawa mo!" sigaw ng kaniyang ina na siyang nagpaanak sa kaniyang asawa.
"Hindi. Anak ko ito. Ito ang sinasabi ng matanda patungkol sa swerte. Ang batang ito ang magdadala sa atin ng swerte inay." ani nito sa kaniyang ina.
"Anong ibig mong sabihin?" gulat na tanong nito sa kanya.
"Sabihin mo! Nakipagkasundo ka ba sa isang mangkukulam? Isinakripisyo mo ang sarili mong anak sa kayamanan!" hindi makapaniwalang sigaw ng matanda sa anak nito.
"Oo, kailangang mag sakripisyo ng isa para sa kapakanan ng nakakarami." sagot naman nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.DON'T FORGET TO VOTE THIS CHAPTER AND ADD THIS STORY IN YOUR LIBRARY.... Thank you for reading 😉😊😘
It's back again in wattpad, after a long hiatus 😅 di kasi pumasa sa dreame and Good Novel 😔 But I hope you enjoy reading this revise version of I'm Falling for Mr. Half Snake.
BINABASA MO ANG
I'm Falling For Mr. Half Snake (ON-GOING/RE-PUBLISH)
FantasyColyn Carson was college student, who has a fantasy addiction about the supernatural phenomenal, supernatural being and beliefs. She believes that nit only them (humans) are walking through the outer crust of the earth. And she believes that if thei...