CHAPTER 3: Anaconda Gossips

1.5K 87 0
                                    

Kinabukasan, pagpasok na pagpasok pa lang ni Colyn sa kanilang silid-aralan ay kaagad na bumungad sa kaniyang harapan ang kaniyang mga kaibigan para usisain siya.

"So, Colyn? Ano na ang balita sa pag-e-exotic boy hunting mo?" kaagad na tanong ni Joanna sa kaniya.

"Oo nga, bilis! Ikuwento mo na! So, hindi multo ang nakita mo roon?" excited na tanong ni Cynthia na mukhang may balak na yatang pumunta roon.

"Well, wala namang guwapong mumu, pero may guwapong lalaking nakatira roon. Ang sabi niya, kalilipat lang daw nila roon at planning for renovation pa ang hunted house, ay este, ang bahay pala ng lola niya." ani niya habang naglalakad patungo sa kaniyang silya.

"Gaano ka guwapo? Mas guwapo ba sa kuya mo?" kinikilig na ani ni Cynthia.

"Mukhang may balak ka yatang hunting-in ang lalaking 'yon e," ani ni Joanna na nasa kaniyang tabi habang naka-poker face.

"Oo nga, Cynth. Ibalato mo na 'yon sa kaibigan natin. Pinagtagpo na nga sila e." natatawang ani naman ni Dianne kaya napabusangot si Cynthia.

"Ano ba kayo, hindi ko siya type, 'no. Mas guwapo naman ang kuya ko kaysa sa kaniya, at may pagkasuplado pa 'yon. Imbis na multo ang hinahagilap ko, pinahanap niya pa ako ng nawawala niyang cellphone sa dis oras ng gabi." nakangusong ani ni Colyn habang nakabusangot na kinukuwento iyon.

"Talaga? Ayaw mo? Ibalato mo na lang talaga siya sa 'kin, tutal sinabi mo rin namang guwapo e." ani ni Cynthia sa kaniya kaya nakatikim ito nang malakas na batok mula kay Joanna.

Nagsimula namang magbangayan ang dalawa, ngunit mabilis naman silang nagsibalikan sa kani-kanilang mga upuan nang dumating ang kanilang masungit na guro.

"Okay, good morning class," matapang na ani nito at naglakad sa harapan.

"May bago kayong classmate na mula pa sa Mindanao. Please introduce yourself, Mr. Alcantara." dagdag pa ng guro at saka tinawag ang binatang nasa labas.

Halos mapanganga naman si Colyn sa sobrang gulat nang nakita ang lalaking pumasok sa kanilang silid kasabay ng pag-iingay ng mga babae niyang kaklase na mukhang kinikilig.

"Girl, ang guwapo ng bagong classmate natin." ani ni Cynthia kaya napaiiling na lang si Colyn.

"Good morning, everyone, I'm Jun Francis Alcantara from Southern Island University. I hope we'll get along with each other." ani nito habang nakangiti.

"Okay, thank you, Mr. Alcantara, you may now occupy the vacant chair at the back, behind Ms. Carson." ani ng ginang at tinuro ang upuang nasa kaniyang likuran.

"Hi, Colyn, akalain mo 'yon? Classmate pala tayo." ani nito sa kaniya habang pangiti-ngiti pa.

Si Colyn naman ay napangingiwi na dahil sa mga matang nakatingin na sa kanila. Hindi na lang siya umimik at nagkunwaring hindi niya ito kilala.

Hanggang sa natapos ang kanilang klase ay tiniis niyang hindi siya lumingon sa likuran kahit na hindi magtagpo ang paningin nila ni Dianne para makakalap ng sagot sa kanilang quiz.

"Finally!" ani niya nang makalabas na sila ng kanilang classroom papunta sa canteen at kumain ng lunch.

"Colyn, magkakilala ba kayo ni Francis? Mukhang kilala ka niya e, kasi di ba nag-hi siya sa 'yo kanina?" ani ni Joanna.

Kaagad namang nabilaukan si Colyn sa sarili niyang laway sa tanong ng kaibigan. "Ah 'yon ba?" ani niya habang pakamut-kamot pa sa kaniyang ulo.

"Siya 'yong lalaking nakita ko sa hunted house kagabi." sagot niya.

"Ano? Siya? Why naman? Kung alam ko lang na siya ang makikita mo roon sumama na lang sana ako sa paghahanap mo ng multo." madramang ani ni Cynthia.

"Hay, ewan ko ba sa 'yo, girl. By the way, h'wag n'yo sanang kalilimutan ang birthday party ng ate ko bukas ng gabi ha? Invited kayo. Dapat girls, huwag tayong magpapatalo sa seniors natin dahil maraming guwapong ka-batch mate nila ang invited. At baka chance n'yo ng dalawa ito na makatagpo ng love life." ani naman ni Joanna sa kanila.

I'm Falling For Mr. Half Snake (ON-GOING/RE-PUBLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon