CHAPTER 2: Exotic Man Hunting

1.7K 102 2
                                    

Hinintay pa nilang magsiuwian ang mga teams na naroon para sa try-out bago sila nagpasyang pumunta sa nasabing hunted house.

Medyo may kalayuan nga ito sa kanilang paaralan at papasok pa ito sa medyo makahoy na parte ng kanilang lugar. Sakop rin kasi ito ng lupang pinagtitirikan ng nasabing bahay, at wala ring balak ang may-ari na ibenta ang ibang parte ng lupa nitong malapit lang sa kalsada.

“Girl, daan pa nga lang ang creepy na, paano pa kaya kapag nasa loob ka na?” kinikilabutang ani ni Joanna sa kanila habang naglalakad sila sa may kahabaang daan patungo sa nasabing hunted house.

“Girl, mas maganda nga 'yon e. Iyong vibe pa lang ng entrance ramdam mo nang mayroon ngang kakaibang nilalang.” ani naman ni Colyn sa natatakot na kaibigan.

“Girl, sigurado ka na ba sa desisyon mo?” ani ni Dianne sa kaniya nang marating na nila ang tapad ng lumang bahay.

Spanish style ang mansiyon na sinasabing hunted house at halatang napabayaan na dahil sa mga sira at gabok na bintana nito.

Marami na ring mga butas-butas ang haligi nito at mukhang inaanay na rin. Mukha ring ilang taon nang walang nakatira rito dahil sa hitsura ng buong lugar.

“Oo, girl,” sagot niya sa kaibigan.

“Guys, kung natatakot kayo, puwede na kayo maunang umuwi. Baka kasi aabutin pa ako nang ilang oras dito at gabi na makauwi.” ani niya sa kaniyang mga kaibigan.

“Colyn, puwede ka pang sumuko at sumabay sa amin pauwi. Ang creepy talaga ng lugar, girl, at mukhang may lungga na rin d’yan ng ahas o ano pang mga hayop na puwedeng manakit sa 'yo. Look, hindi kami natatakot kung mumultuhin ka o ano man dahil sanay na kami na saan-saan ka nagh-hunting, pero ibahin mo naman ang lugar na ito. Idagdag mo pa na palubog na rin ang araw.” mahabang paliwanang ni Dianne sa kaniya na may pag-aalala.

“Ano ba, girls. Okay lang ako, promise. Sanay na ako sa ganito. Natiis ko ngang tumambay buong magdamag doon sa lumang plaza sa kabilang probinsya kahahanap ng kapre at tumatambay sa science laboratory buong magdamag e. Malay n’yo, ito na ang tamang panahon na makakikita ako ng engkanto o multo.” ani niya.

Ilang beses pa siyang pinilit na umuwi ng mga kaibigan ngunit hindi pa rin siya nagpatalo hanggang sa huli ay napapayag niya na rin ang mga ito na umalis.

“Sigurado ka na ba talaga?” palugit na tanong ni Cynthia sa kaniya. Kaagad naman siyang tumango at ngumiti.

“Basta ha, tawagan mo lang kami kapag natatakot ka na. Pupuntahan ka namin kaagad d’yan. Tatambay na muna kami roon sa KTV.” ani ni Joanna.

“Okay, tatawagan ko kayo kaagad kapag natatakot na ako.” ani niya sa kaniyang mga kaibigan upang mapanatag ang loob ng mga ito.

Nang matanaw niyang medyo nakalalayo na sa paglalakad ang mga ito nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at saka nagpasyang pumasok sa loob ng gate ng mansiyon.

Sa pagbukas niya ay kaagad na maririnig ang langitngit ng luma at nangangalawang na gate, at nakadaragdag din ng tensiyon at pagkasabik niya ang mga tunog ng tuyong dahong natatapakan niya.

Kaagad niyang binuksan ang flashlight ng kaniyang cellphone bago pumasok sa loob ng lumang mansion. Katulad ng kaniyang inaasahan ay makalat at marumi ang paligid. Natatabunan din ng mga puting tela ang ibang mga kagamitan na naroon katulad ng mga upuan at cabinet na yari sa kahoy.

“Mukhang antique,” ani niya habang patingin-tingin siya sa mga bagay na naroon.

May mga kagamitan pa roon na mapakikinabangan pa ngunit mukhang wala ni isang magnanakaw ang nagtangkang kumuha ng mga kagamitang naroon.

I'm Falling For Mr. Half Snake (ON-GOING/RE-PUBLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon