CHAPTER 1: Fantasy Addiction

2.3K 127 35
                                    

Ang mga babaeng mahilig magbasa ng fantasy at fictional romance ay kadalasang matagal makatagpo ng love life nila sa realidad.

Minsan kasi kahit na mayroon namang nanliligaw ay iniignora pa rin nila dahil sa taas ng nabuo nilang standards sa mga fictional characters. Minsan pa mas gusto nilang magkaroon ng creepy na love life kaysa sa magkaroon ng isang normal at masayang relasyon kasama ang isang normal na tao.

Napabuntonghininga na lamang si Colyn habang nakatingin sa labas ng bintana ng kanilang silid-aralan na nasa pangalawang palapag ng kanilang departamento.

Hindi na siya makapaghintay na matapos ang kanilang klaseng panghapon upang matuloy na ang kaniyang planong pumunta sa nasabing hunted house malapit sa kanilang lugar. May mga sabi-sabi kasi sa kanilang eskwelahan na mayroong nagpapakitang itim na anino ng isang lalaki sa lugar na iyon.

"Mga dyosa kong best friend, samahan ninyo naman akong mag-boy hunting mamayang hapon. Balita ko may mga guwapong freshman students na sasali sa soccer at basketball try-outs mamaya, at take note, nandoon din ang mga guwapong seniors natin!" malakas na pahayag ni Cynthia sa mga kaibigan nito nang dumating ito sa kanilang classroom galing sa labas.

"Naku, girl, ang init-init kaya; ayaw ko rin namang magsayang ng oras sa kahahabol ng kung sino'ng lalaki, ano." ani naman ni Joanna habang humihikab pa. Nagising kasi ito dahil sa lakas ng boses ni Cynthia.

"Palibhasa may mga jowa na kayo," nagtatampong tugon nito sa mga kaibigan habang nakangusong naupo sa silya.

"Yayain mo kaya 'tong si Colyn? Kaysa naman maghanap siya ng hindi mahagilap na nilalang, isama mo na lang siya sa paghahanap mo." suhestiyon naman dito ni Dianne. Tila naman nagningning ang mga mata ni Cythia at humarap sa kaibigan.

"Busy ako, Cynth." nakagiti nitong ani sa kaibigan habang pakamot-kamot pa ng kaniyang ulo.

"Girl! Akala ko ba mahal n'yo ako? Sige na naman oh, samahan n'yo lang naman akong tumingin-tingin doon. Hindi naman required na mangaliwa rin kayo. Baka malay n'yo itong pagh-hunting kong ito ang makapagbigay ng lunas sa kahibangan ng isa nating kaibigan d'yan." ani nito at napapaluhod pa sa sahig.

Kaagad naman itong nakatikim nang malakas na sapak ng libro mula kay Colyn. "Sino'ng sinasabi mong nangangailangan ng lunas ha?" inis na ani nito.

"Ito naman, nagj-joke lang naman e. Sige na kasi. Ngayong araw lang naman ito, promise. Samahan n'yo na kasi ako." nagpapaawang ani nito sa mga kaibigan.

"Ayaw mo ah." ani nito at umupong muli sa bangko habang naka-cross ang mga braso at binti.

"Colyn, balita ko balak mong pumunta roon sa sinasabing hunted house. 'Di ba masyado pang maaga para pumunta roon kaagad natapos ang klase natin? Walang magpapakitang multo kapag may sikat pa ang araw. At alam kong hindi mo rin alam kung saan ang eksaktong lokasyon n'on. Baka abutin ka pa ng bukas sa paghahanap at pagtatanong kung saang lupalop 'yon nakatirik." ani nito habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kaibigan.

Kaagad namang napalingon si Colyn dito na nakakuha ng kaniyang simpatya. "Oo na! Sige na! Sasamahan na kita. Basta siguraduhin mo lang na alam mo kung saan ang eksaktong lokasyon n'on ha? Dahil kung hindi, ako ang magmumulto sa 'yo." ani niya sa kaibigan.

Bigla namang napayakap sa kaniya si Cynthia, "Ayiee, thank you, Colyn. Sabi na nga bang 'yon ang kahinaan mo e." ani nito sa kaibigan.

"Kayo? Wala ba kayong balak samahan kami? Porke may love life kayo, iiwan n'yo na lang kami kaagad sa ere. Hindi man lang ba kayo nag-aalalang tumanda akong dalaga lalo na ang isa r'yan?" madramang ani Cynthia sa mga ito kaya naman muli na naman itong nakatikim nang malakas na sapak sa ulo mula kay Colyn.

I'm Falling For Mr. Half Snake (ON-GOING/RE-PUBLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon