Mr. Mestiso(Buwan ng Wika Special!)

22 3 19
                                    

Hay nako My Mr. Mestiso.
Ang ka-Cute-an aking minamasdan,
Kahit ika'y malayo pa man,
kitang kita ang yong' kapogian.

Ang matangkad mong pigura,
Ang kalmado mong ekspresyon,
Ang tahimik mong personalidad,
ika'y ubod sa katalinuhan.

Kausapin na daw kita,
Ang mga sinasabi nila.
Ngunit ako'y umaayaw,
Nang hindi ako makagalaw.

Nang tuwing hapon ay nagbabasa,
Nang mata ko'y nakapako lang sayo.
Ang puting kutis mo'y maganda,
Ika'y pinagmamasdan ko sa malayo.

Nang ika'y parang libro,
na hindi ko mabitawan.
Mata ko'y lumalabo,
Kaw' lang aking minamasdan.

Hay nako My Mr. Mestiso,
Ba't ba nahulog ako sayo.
Umaapaw ang puso,
Katitingin lang sayo.

Ang maganda mong panloob na katangian,
Ang pagiging matulungin kung kanino man.
Lagi kang nandiyan t'wing walang pumapansin,
Sa tawag ko ng tulong agad kang titingin.

Hay nako My Mr. Mestiso,
Sinasabi ko na to' sayo.
Sariling wika ating mahalin,
Pati ako, idamay mo na rin.

Reverberating LinesWhere stories live. Discover now