1: Mia

469 14 0
                                    

MAINGAT AKO SA PAGTAPAK sa makipot na kahoy na tulay habang inaalalayang makababa sa bangka ni Mang Julio, isa sa mga bangkero.

Hinawakan niya ako sa braso hanggang sa nakatapak na ang mga paa ko sa daungang gawa sa malalapad at makakapal na mga tabla ng kahoy. Sa kabila ng naglolokong sikmura, nginitian ko siya sa pasasalamat bago niya nabalikan ang pinsan kong si Christian sa bangka. Ako naman ay bumaybay sa kahoy na tapakan para makababa sa buhanginan at nang makarating doon, saka ako nakahinga nang maluwag.

Majikal powers be damn. Nalula pa rin ako sa alon sa dagat, shit. I never could stand sea sickness.

Fuck. Naiwan ko sa laot ang breakfast ko, nangingiwi kong naisip habang napapa-himas sa aking tiyan. Bakit hindi ko binaon ang mga tonics ni Mommy? Bahagya pang nangangatal ang mga tuhod ko.

Napadaan kami sa malalaking mga alon patungo rito kahit maaliwalas naman ang panahon. Normal na raw iyon, sabi ng mga bangkero. Bukas daw kasi ang parteng iyon ng karagatan sa Silangan kaya malakas ang hangin at malalaki ang mga alon.

Bakit daw kasi hindi ako uminom ng motion sickness pill? Tanong iyon ng dalawang bangkero. But I couldn't take any meds from the Mundis. Hindi gagana sa akin. For some reason, kahit hindi naman ako magaling sa majik ko, walang guma-ganang gamot na gawa ng mga Mundis sa mga naging sakit ko sa paglaki kundi mga concoctions ng Mommy ko na isang Majikal.

I couldn't tell them that, because they were Mundis. And if they happened to know about Majikals because they work for the Montierras, we couldn't ask because Ian and I were posing as Mundis.

As if our mission here wasn't complicated enough, hindi ba?

Nakatapak na ako sa buhangin, at napangiti ako sa naramdamang init sa mapino at maputing mga butil. Huminga ako nang malalim at pinuno ko ang aking mga baga ng hangin.

Fresh salt air. 

I felt better.

Samantala, nakababa man si Christian nang walang alalay pero nagpapatulong siya sa pagbuhat sa bags namin at equipment kina Mang Henry at Mang Julio kaya nagtatagal siya.

Ibinalik ko ang aking mga mata sa isla, naniningkit kahit may suot akong sun-glasses, dahil sobrang tingkad nang pagsikat ng araw. Maputing maputi ang buhangin. The whole island seemed shining.

At kumakabog nang malakas ang aking dibdib.

I'm here... really here, in this enchanted island.

Nakatapak ako sa buhangin ng Montierra Island at natatanaw ang Montierra Mansion mula sa kinatatayuan ko. Nasa ibabaw iyon ng plateau sa isla at ang backdrop ay ang berdeng kagubatang sumasakop sa mas malaking parte ng isla.

Noong nire-research ko pa ang tungkol sa Montierra Clan, hindi ako naniniwalang makararating ako rito sa kanilang isla, na isa sa pinakamagagandang private island resorts sa South Pacific at ang pinakaistriktong pribadong lugar na alam ko. Kahit napakayayamang mga elitista ay nagdaraan sa matinding screening bago makatapak sa pino at bleached-white na buhangin ng beach dito. May napo-post mang mga larawan sa socmed, pero ni hindi nakarating ang mga nag-post niyon sa pusod ng isla. Nagdaraan sa inspeksyon ang mga cameras at cellphones bago maipasok at mailabas, na kasama iyon sa kasunduang pinipirmahan kung mabibigyan ng permisong bumisita.

Like right now, ang clearance namin ni Ian na gamitin ang aming smart phones para mag-message o tumawag ay mula rito sa beach hanggang sa mansyon lamang. Anywhere beyond that, hindi na kami pwedeng magdala ng anumang gadgets, so it wouldn't be suspicious when any electronic gadgets would suddenly stop working because of the wards. Magtataka ang mga Mundis. Ang mga Majikals, syempre, alam ang tungkol sa mga wards na nagbibigay ng proteksyon sa isla at sa sinumang naroroon. But, Mundis or Majikals, walang kumukwes-tyon sa rules or hindi makakatapak sa isla.

PHANTOM: Tierra Firme Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon