3: Mia

99 10 0
                                    

BAGO PA AKO makarating sa railing, naririnig ko na ang tinig ni Erin sa kabilang linya. Halatang kanina pa siya naghihintay sa tawag namin ni Ian.

"Mahal! So how's everything?"

"We wish you're here – that's everything," umalpas sa bibig ko habang nakatanaw na naman sa puting beach sand at maasul na dagat. Tumalsik na uli ang lungkot ko sa hangin. The view was just breathtaking. Hindi ako magsasawa sa ganda ng lugar na ito kahit ilang beses ko pa iyong makita. "Sobrang ganda rito, Erin, kahit konti pa lang ang nakikita ko. Hindi pa kami nakakapag-explore. We've only been about—" sumulyap ako sa aking wrist watch, "thirty minutes more or less in the island."

"I know," wistful na sambit niya. "Sabi din ni Ian. Sandali lang kaming nakapag-usap kasi hinihintay niya ang call about meeting n'yo kaya ikaw muna ang tinawagan ko. Alexander Giorgino Montierra... pangalan pa lang niyang lumalabas sa bibig ko... wow. I still can't believe na siya ang kliyente ngayon ni Ian, or na you both are there!"

Natawa ako pero may halong nerbyos iyon. "May trivia ako para sa 'yo – off limits daw ang entire forest kasi delikado. Not because protected and very private, kundi delikado. May nangyari yatang hindi maganda dati."

Nasa tinig ni Erin ang amusement nang makasingit. "At nalaman mo ito agad dahil...?"

"Inusisa ko ang driver. You know... tourist-style. Sabi niya, strict si Alexander Montierra when it comes to his house rules, or in this case – island rules. Pero other than that, hindi naman daw siya nakakatakot. Mukha naman ngang hindi siya takot – 'yung driver. Relaxed na relaxed siyang nakikipagkwentuhan sa amin. Basta daw sumusunod sa rules, walang problema rito."

"You know Ian's not the only one I'm worried about. How are you?" seryoso niyang tanong. "Sabi ni Ian, 'yung suspetsa mong biological father mo ay nasa isla?"

"Oo. Can you believe that?" Nagbun-tunghininga ako at isinabit sa teynga ang mga hibla ng natutuyo kong buhok. Humaharang iyon sa mga mata ko kasi humahampas ang hangin. "I really don't wanna... think about it or talk about it right now. I think I'm suffering from a nervous breakdown."

Narinig ko ang tawa niya, na may halo ring kaba. "Ako nga rin, kinakabahan for you!"

"Erin, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag kaharap ko na siya. But I also need to know about Dad. May narinig ka na bang bagong balita sa ospital?" nag-aalala kong tanong.

"He's asleep when I called. Pero sabi ni Tita Malou, he's finally responding well daw sa treatment kaya huwag ka raw mag-alala at mag-focus ka raw sa painting mo. Nasabi raw ni Tito Bing noong nalaman niya kung nasaan ka supposedly, na mabuti't naka-bakasyon ka at nagre-relax, sa halip na nag-aalala sa kanya." Ang alam din ng mga ito ay nagpipinta ako sa Palawan, gaya ni Daddy Edds.

"That's good to hear. Though hindi ako magpapahinga sa pag-aalala sa kanya hangga't hindi siya gumagaling. Ang dami kong pera. Kahit maubos 'yon lahat, wala akong pakialam basta gumaling lang s'ya."

"I know. I feel the same way, too. Sana, buhay pa si Tita para nakagawa siya ng concoctions na maaaring makatulong kay Tito Bing. Oops. Hold up. Tumatawag na uli ang Mahal ko."

"Call you later," sabi ko, mabigat bigla ang dibdib dahil sa sinabi niya tungkol sa concoctions ng Mommy ko. If my Mom was still alive, she would do everything to help her former husband, annulled man na sila o hindi.

"Wait! Teka... please, ilayo mo sa mga sirena si Ian habang nariyan pa kayo, ha? Ikaw ang mga mata ko."

"I don't think mermaids actually lives... ohh." Natawa ako. She wasn't talking about real mermaids. Shit.

"Exactly. He's so adorable in his cuteness and naivety. Nilalandi na siya hindi pa niya alam!"

Nagtatawanan kami habang nagpapaalam sa isa't isa.

PHANTOM: Tierra Firme Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon