MABILIS ANG PAGTIBOK ng puso ko habang palabas ng pinto ng aking kwarto.
Maingat akong nagtungo sa hagdan. Pababa iyon, pagkatapos ay nagpo-fork sa gitna. Ang isa ay patungo sa first floor ng mansyon, ang pangalawa ay patungo sa beach.
Sumulyap pa ako sa likod ko, sa pinto ni Ian, nag-aalalang baka bigla siyang lumabas. Huli ko siyang nakita, nakalatag ang mga designs sa desk sa kwarto at nire-review niya ang mga blueprints niya. Nasabi niyang matutulog siya nang maaga sa paghahanda sa meeting bukas.
Pero sa dinner earlier, nakasabay namin ang mga modelong pinayagan nang makapasok sa isla – to my big relief. I mingled with them. I liked Art and Marc among the males, si Divee sa mga babae. Si Divee ang umimbita sa akin sa bonfire sa beach after dinner.
Kung kasama si Ian, may instant bodyguard ako. Hindi ako makakagalaw tiyak, and I might get him in more trouble with Daddy Edds at Erin.
As usual kasi, naku-cute-an na naman sa kanya ang mga babae – ang mga sirena. And since they were modern women, hindi nila tinatago iyon. Even Ian was getting uncomfortable before we went back upstairs.
Chances and opportunities.
Kaya ako lang ang bababa at magtutungo sa beach. Kapag sinwerte ay baka bumaba si Maximo at malapitan ko siya. Then I'd have my closure at least regarding the first man on my list.
There is no other man on your list, paalala na naman sa akin ng boses sa ulo ko.
Nakagat ko ang ibaba kong labi habang patuloy ang pagbaba sa hagdan.
Gusto ko lang makita sa malapitan si Maximo. Gusto ko lang matuklasan kung totoo iyong tinatawag nilang lukso ng dugo.
Simple lang ang plano.
I wore a skimpy bikini – isa sa mga dahilan kung bakit tumatakas ako kay Ian. Sa chocolate brown bikini sa ilalim ng see-through sarong, tiyak na guguwardyahan niya akong parang uwak.
Maganda ako. Alam ko iyon hindi lang dahil may sarili akong mga matang marunong tumingin sa salamin kundi madalas iyong nababanggit ng mga tao sa paligid ko sa aking paglaki. Pino at maganda ang hugis ng aking mga kilay, almond eyes, matangos na ilong, at full lips. Ang mga mata ko ang kapansin-pansin sa aking mukha. Hugis pusa daw ang mga iyon pero itim na itim ang mga irises, parang black ink. Nakakakaba nga raw ako makatitig. Sa puti ng aking kutis ay litaw na litaw ang itim ng aking mga irises.
I got those eyes from an ancestor daw on my mother's side, sabi sa akin, but most of my facial features were from my Mom. Ang hirap tuloy malaman talaga kung sa pisikal na hitsura lang kung ama ko nga ba talaga si Maximo Montierra.
Seksi rin ako. My limbs weren't proportioned to my body, but in a good way. Mahahaba ang aking mga biyas kumpara sa aking katawan kaya kahit petite ako sa five feet two inches, hindi ako mukhang pandak.
That was the plan – gamitin ang aking pisikal na hitsura kung kinakailangan makalapit lang kay Maximo Montivierra.
I couldn't flirt my way to have what I wanted if Ian was there. I didn't want to, but if I have to, I would. Mag-iingat na lang ako.
"Sorry, Ian," mahina kong bulong bago ako lumiko sa fork at mawala sa aking paningin ang floor na iniwan ko.
Lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko at parang dumarami ang maliliit na mga butterflies sa aking sikmura habang iniisip ko ang mangyayari sa susunod na mga sandali.
Makikihalubilo kaya si Maximo sa kanyang mga modelo sa bonfire? Ano kayang gagawin ko exactly kapag magka-harap na kami?
Napalunok ako.
BINABASA MO ANG
PHANTOM: Tierra Firme Book 1
FantasyMia believed all her life that she was just a regular Majikal with lousy majik. Pero nang makarating siya sa Montierra Island sa paghahanap sa kanyang tunay na ama, she was claimed right away by Alexander Giorgino Montierra, the only one of the sur...