"MIA, are you alright?"
Nakapikit ako. Naririnig ko ang boses. It was Ian's worried voice.
Nagmulat ako. Pero bago ko pa man gawin iyon, alam kong wala ako sa kama sa kweba. Nararamdaman ko ang haplos ng hanging panggabi. Naaamoy ko muli ang alat sa hangin mula sa dagat.
I was on the stone stairs, sitting on the lowest step, with my clothes – or swim wear – on.
Nag-angat ako ng tingin sa nag-aalalang mukha ni Ian. Somewhere between being on the cavern's bed and being more shocked than I had ever been in my entire life, nabalik ako rito sa spot na ito. Na parang walang nangyari. Na parang napanaginipan ko lang lahat.
But I could feel the difference in my body. I could feel the wetness between my thighs, the soreness after sex in my flesh.
What happened? Tinapon ba ako ni Gio – ng nilalang na akala ko hindi totoo – pabalik dito? Was he already tired with me?
Pinaglaruan lang ba ako nito?
"Put your head between your knees," utos ni Ian.
"G-Good idea," sabi ko. Let him think this was all because my head got jarred going down the stairs. Maloloko siya kung malalaman ang pinagdaanan ko.
I didn't think he would believe me about Gio, anyway. An Ancient. Shit!
I put my head between my knees and soon enough, I felt better. Nang iangat kong muli ang ulo ko, huminga ako nang malalim. I chanced a look at him. Pinilit kong ngumiti.
Umupo siya sa tabi ko at inabot ang mga kamay ko saka kinulong sa mga palad niya at kinuskos para mapag-init. "Anong nangyari?"
"Nagkamali ako ng tapak sa pagbaba at muntik na akong masubsob," pagsisinungaling ko. "Tapos nalula ako kaya napaupo ako."
Umangat ang isa niyang kilay. "You're going to the bonfire without me?"
Napangiwi ako. "Oo." As if makakatanggi ako, with the way that I was dressed.
"Mahal?!" protesta niya.
"I'll be fine, Ian." Skeptical niya akong minataan, at napatawa ako. "Iba naman ito. Natalipa lang ako sa hagdan."
Pinaningkitan naman niya ako ngayon. "Bakit hindi mo ako isasama? Kayo ni Erin... nagkukuntsaba na naman. As if papalitan ko ang girlfriend ko ng puppets and robots." He was talking about the models.
"Hey!" awtomatiko kong sambit.
And he knew it right away, bago pa ako maka-react, because he was already guilty. "Sorry." Tumingin siya sa langit, sa isa pang naging modelo noon. "Sorry, Mommy Amy!"
Napatingala rin ako sa langit, nakita ang kadiliman at ang mga bituing nagsabog doon. And I held my breath, because stars weren't this bright in the city.
Nagdaan ang ilang sandali ng katahi-mikan sa pagitan namin ni Ian habang ninanamnam namin ang koneksyong iyon sa kung anong kapangyarihang present sa mga sandaling iyon. Pag-ibig ba iyon? Pagmamahal? I just knew, and I knew Ian felt it, too, that remembering my mother connected us to her somehow, wherever in the Afterworld she was.
Kasi minahal nito kami noong nabu-buhay pa ito... at walang nakaraan o kinabukasan ang pagmamahal. It was infinite, forever, and more real than any other solid object we could hold with our hands.
I wish I could tell her about Gio... the first man ever in my life. I wish I could tell her everything, like before.
Mommy, miss na miss na kita...
Naramdaman ko ang kamay ni Ian sa balikat ko habang hinahapit niya ako sa kanyang tabi.
"Kaya mo na ba? Sasamahan kita sa bonfire."
BINABASA MO ANG
PHANTOM: Tierra Firme Book 1
FantasiMia believed all her life that she was just a regular Majikal with lousy majik. Pero nang makarating siya sa Montierra Island sa paghahanap sa kanyang tunay na ama, she was claimed right away by Alexander Giorgino Montierra, the only one of the sur...