"ANG GANDA NGA PALA rito, Ian..." sambit ko noong magkatabi na kami sa buhangin at nakatanaw na muli sa mansyon. We both missed Erin, girlfriend niya at bestfriend ko. Actually, the three of us were best friends to each other since childhood, before the two finally admitted to being in love with each other when we were grown enough to know that Ian was actually a boy. Mas pretty pa si Ian sa amin ni Erin kasi. And no, he wasn't at all bi-sexual like his father, Daddy Edds.
So, yes, girlfriend niya si Erin. Best friends ko silang dalawa. At alam ni Erin ang lakad namin dito. She was also a Majikal and in fact, kasabwat namin siya.
Naiisip ko rin ang Mommy ko.
Had she been here noong modelo pa siya at kasintahan ni Maximo Montierra when she was twenty-three?
Sa gilid ng aking mga mata, nakikita kong nakatingin sa akin si Ian. Nararamdaman ko ang kanyang pag-aalala. Sa nagdaang anim na buwan ay malaki ang nabago sa buhay ko. My mom died in a car accident. My dad, a Hybrid, was diagnosed with stage three prostate cancer just recently. And so far, no Majikal or Mundi remedy was making him well. Nang na-realize niyang maaari siyang mamatay nang maaga, binisto niya sa akin ang tungkol sa aming dalawa... kaya nalaman ko ang totoo noong wala na ang Mommy ko. She would have been the first one to answer my questions kung nagkataon tungkol sa kung sino ba talaga ang tunay kong ama. My Dad didn't have a clue. At si Daddy Edds, who'd been my mother's best friend since forever, was dodging my questions.
Ian looked at me these days like I was ready to throw myself out a seventh-floor window kahit alam niyang never kong maiisip gawin iyon. Unless I could fly, which I maybe could, if I wasn't such a loser majician.
Paulit-ulit?
"Okay ka lang ba d'yan, Mahal?" tanong niya. Iyong 'Mahal' ay tawagan namin sa parehong pamilya. Pasimuno si Mommy sa mga ganyan kasi sobrang lambing niya sa lahat ng mga minahal niya. When she died, I felt like all the majik behind all the colors in the world disappeared. Or at least, iyong nakikita lang ng aking mga mata.
Mula nang mamatay siya, hindi pa ako nakakahawak muli ng paint brushes.
Ngumiti ako sa kanya at nag-focus sa kanyang misyon dito. Hindi pa rin siya makapaniwala na kinuha siya ng isang Montierra para i-disenyo ang mga summer cottages na gusto nitong itayo sa isla. Kinakabahan rin ako sa nakatakdang meeting namin kay Alexander Montierra para kay Ian. Tinatago ko lang sa kanya.
Architect si Christian, freelancer kahit may modest na real estate development business ang ama niya, pero bata pa sa larangan. Kaga-graduate nga lang naming dalawa barely a year ago. Proud si Daddy Edds sa pagiging independent ng nag-iisang anak lalo't lumaki itong walang gabay ng ina, iniwan ang mag-ama matapos umamin si Daddy Edds na bi-sexual ito. Pagkatapos ng annulment, nagpakasal agad si Tita Mimi sa isang mas matanda at mas mayamang negosyante.
It was a good thing. Mabilis natapos ang pag-asam ni Ian na babalikan siya ng ina. Naging mas madali ang pag-comfort namin ni Mommy sa kanya noong panahong hinahanap-hanap niya ito.
"Mia?"
Bumaling ako sa tawag. Inakbayan niya ako.
"You know I love you. Right? And you are never alone? We'll always be here for you. Forever." And when a Majikal says forever, it might very well be. May mga lucid na kaluluwa ng mga Majikals ang nagkalat sa paligid na hindi lumiliban sa Afterworld kasi ayaw pang iwan ang pamilya.
Many of them were mothers.
My mother, unfortunately, mukhang prenteng prente na kaya kong harapin ang mundo nang mag-isa. I couldn't see or feel her anywhere anymore. Nakakaiyak sa inis.
"I know. And I love you so much, too. But it really sucks, you know?"
"What does?"
"Na hindi pala tayo magpinsan?" Daddy Edds was my father's half-brother. Except I just found out nga na my Papa wasn't my biological father.
BINABASA MO ANG
PHANTOM: Tierra Firme Book 1
FantasyMia believed all her life that she was just a regular Majikal with lousy majik. Pero nang makarating siya sa Montierra Island sa paghahanap sa kanyang tunay na ama, she was claimed right away by Alexander Giorgino Montierra, the only one of the sur...