9: Mia

59 8 0
                                    

NANG MAGBALIK kami sa gallery – if we'd ever left it – we were as composed and cool as if we'd just looked over and dissected every question I could have asked Gio about the wood carvings of wooden figurines in the other room.

Si Ian ang hindi mukhang composed. Nawindang talaga ito sa mga natuklasang pieces sa gallery na hindi nito akalaing nag-e-exist pa. Nakakakonsensya tuloy kaya sa sumunod na sandali, we catered to his questions hanggang sa makabawi na siya.

Natapos kami sa gallery at sa tour, at lumabas kami sa villa. Natagpuan kaming muli sa terrace sa direksyon ng dagat, nakaupo sa mga silya roon at bumabawi. Malapit na kaming magpaalam.

I could already tell that as soon as we got back to the mansion at napag-isa ako, kasama ko na naman si Gio. Bukod sa nakikita ko iyon sa tingin niya at inasal niya mula kagabi, alam kong hahanapin ko siya. Nararamdaman ko. Ito na ba ang epekto ng nang pagiging 'bonded' na sinasabi niya? Hindi lang siya, kundi maging ako?

Tumunog ang cellphone ni Ian. Nang mabasa ang identity nang tumatawag sa screen ng phone, nabagabag ito. Nahulaan ko tuloy agad kung sino iyon.

Tumayo ito at nag-excuse saka lumayo – but not before sending me an expressive look. Nakasunod ang tingin ko rito, saka napakagat-labi dahil tensed ang mga balikat nito.

Si Daddy Edds nga.

And I could hear him screaming on his phone from where I sat.

Nasa mukha ni Ian ang sobrang pagka-tuliro nang magbalik ito sa mesa, pagkatapos ay ibinibigay nito ang phone kay Gio.

"I'm sorry. But my father said he wants to talk to you," anito kay Gio sa apologetic na tinig. "He insisted you'll take the call because you know him."

Halata rin ang pagtataka sa mukha ni Gio habang tinatanggap ang phone. Ako ay naninigas sa kinauupuan ko.

"Hello?" sabi ni Gio sa phone nang nakadikit na iyon sa kanyang teynga.

I was watching. Ian, too, was watching. We both saw when Gio's face changed. Nawala ang pagkalito, napalitan ng pagkaalerto.

Pagkatapos, sinabi nito, "Of course, Eduardo. You're welcome to the island. You can..." then Gio looked straight at me, "transport anytime."

Then Gio did something.

I felt a difference in the air. Like a shield had been opened. Lumakas ang hangin at naging mas mainit ang sikat ng araw. And I looked towards the beach and the sea.

May nakita ako. Mga tao. Pero hindi... hindi lang mga tao. May mga mga nakatayo roon, o gumagapang just above the surface of the water pataas. May mga nasa ere na at nakapatag sa kung anong invisible doon. The shape of these dots of creatures on that invisible shape made it look like a dome.

An invisible dome.

It was just for a moment.

Napakurap ako sa gulat, at nawala sila. Parang ilusyon. Pero nahuhulaan ko na kung ano iyong invisible – the island's wards.

But I could still see some of them in my mind.

Monsters.

Ni hindi ko alam na napatayo ako at napaurong. Gio was suddenly behind me. When I looked at Ian, he was also standing, awestruck, as he slowly walked towards us.

Nakita rin niya ang mga nakita ko.

"G-Gio... anong...?"

Hindi na siya nakasagot kasi sa mismong sandaling iyon ay lumitaw si Daddy Edds sa harapan naming tatlo.

"What have you done?!" halos pasigaw na asik ni Daddy Edds habang lumalapit sa amin. Nakadirekta iyon, hindi sa anak nito, kundi kay Gio. "What have you done to them, Alexander?!"

PHANTOM: Tierra Firme Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon