NAGDAAN SI IAN sa fangirling stage sa unang mga sandaling kasama namin si Gio. In his case, fanboyling stage? What the hell am I even thinking about? Pero habang nasa ganoon pa si Ian, ako naman ay nagdaraan sa sarili kong realization moment.
Kung tatay ko si Maximo Montierra... shit!
Kapatid ko ang pinagbigyan ko ng virginity ko kagabi.
Homaygahd!
Pero teka, teka.
Kung Ancient siya, paanong nangyaring ama niya si Maximo? Though at this stage, maniniwala na ako kapag may nagsabing si Adan at si Maximo ay iisa.
Someone had to make things clear right now, or I might transport myself out of this place dahil sa panic. Magpapakatago-tago ako sa pinakamalalim na butas na matatagpuan ko sa lupa at hindi na ako magpapakita kahit kanino kahit kailan!
Binigay ko ba talaga ang sarili ko sa kapatid ko?
Oh my God!
"Mia?"
Napakurap ako, saka nag-focus ang tingin sa nag-aalalang mukha ni Ian na kanina pa siguro ako tinatawag kasi malapit na ang mukha niya sa akin. "H-Ha?"
"Are you alright?"
"Ang... ang init. Umiinit na kasi ang araw," sambit ko.
Kumunot lalo ang noo niya.
"I think you both better get in the cart, so we can go to the villa and she can take a breather and a drink," ani Alexander Montierra sa napaka-logical na tinig.
Logical, my ass.
Masama ang tinging pinukol ko sa kanya the moment na hindi na nakatingin sa akin si Ian.
"Mabuti pa nga," sabi nito, saka ako inalalayang makasakay sa cart, at hindi nagtagal ay iniiwan na namin sina Jose at Selina sa baba ng driveway habang paakyat kami sa villa.
*Is Adam Mr. Maximo Montierra?* tanong ko sa isip ko kay Gio.
Nakita kong sumulyap ang kanyang mga mata sa rearview para tingnan ako. Nagtataka ang gwapo niyang mukha. *No, of course not.*
*Pero ama mo siya!*
*Well, someone has to be my father, seeing I don't age.*
*What did that mean? Hindi ka tunay na anak ni Maximo Montierra? Are you sure he is not Adam? Optics lang 'yon?*
*Yes...* sagot niya, nasa tinig na natatawa na.
Nakahinga ako nang maluwag. As in napapikit pa ako, bago ako muling napamulagat. *Then anong koneksyon mo sa kanya? Bakit siya ang nagpanggap na ama mo, of all people?*
*They are family. The Montierras are my progeny... my descendants.*
"Mahal, anong problema?" narinig kong bulong ni Ian sa aking tabi. Hinawakan niya ang kamay ko at ikinulong sa mga palad niya. "And don't tell me it's the sun."
Tumingin ako sa kanya, nakikiusap ang mga mata. Pero kapag si Ian, hindi na kailangan ng mind talk, kung sakaling we could do that. Naunawaan niya agad sa tingin ko pa lang na sasabihin ko sa kanya ang dahilan sa tamang oras.
Mas importante ang kanyang project sa ngayon. Kung bibigyan ko siya kahit konting parte lang ng buong istorya, baka mawindang pa siya.
Kung maniniwala siya sa akin.
Nakarating kami sa villa. Ngayong kahit papaano ay nakakahinga na ako nang maluwag, hindi na nakaligtas sa akin kung gaano ka-imposing ang bahay ni Alexander Montierra. Dahil alam ko kung ano siya talaga, the house was most fitting to him. But I had this feeling that there was more to the house than visuals and aesthetics.
BINABASA MO ANG
PHANTOM: Tierra Firme Book 1
FantasiMia believed all her life that she was just a regular Majikal with lousy majik. Pero nang makarating siya sa Montierra Island sa paghahanap sa kanyang tunay na ama, she was claimed right away by Alexander Giorgino Montierra, the only one of the sur...