Prologue

13.3K 202 3
                                    

A/N:
Sorry sa wrong typo
------------
Someone's POV

Hingal na hingal at pawis na pawis akong tumatakbo habang may mga taong humahabol saakin, Hindi ko na alam kung nasaan ako Basta ang alam ko lamang ay tumakbo ng tumakbo upang hindi ako maabutan ng mga taong humababol sakin.
Nang makakita ako ng mga sirang sasakyan agad akong nag tago.

"Kaylangan natin syang mahanap kung hindi mananagot tayo kay boss" sabi ng isa sa kanila kitang kita ko ang mga humahabol sakin ngunit Hindi ko alam kung sino at ano ang pag katao nila

"Ikaw naman kasi eh kung Hindi ka nakatulog kanina edi sana hindi tayo natakasan" sabi naman ng isa pa tatlo silang humahabol sakin mga naka mask sila

"Lintik na batang yun pag ako talaga napuno dun papatayin ko sya kahit na pagalitan pa ako ni boss" sabi nung maliit na lalaki

"G*go edi tayo naman naman isunod ni boss" sabi nung matangkad

"Bakit ba kasi binuhay pa ni boss ang batang yun eh naka takas pa tuloy" sabi ulit nung maliit

"Pwede ba wag na nga kayong mag reklamo Jan hanapin nalang natin yung batang yun para naman makapag pahinga na tayo" sabi nung mataba

"Tara mag hiwahiwalay tayo para mabilis nating makita ang batang yun" sabi nung matangkad, nang makaalis sila ay agad akong lumabas sa pinag tataguan ko.

Takbo lang ako ng takbo at ng sa wakas ay nasa daan na ako ay agad akong humanap ng sasakyan para makaalis na sa lugar na iyon.

Nang makakita ako ng sasakyan ay agad ko itong pinara nang mag stop ang itim na sasakyan ay agad akong kumatok

"T-Tulungan n-nyo po ako please" manginig nginig kong pakiusap agad naman nag bukas ang pintuan at lumabas doon ang lalaking mas matangkad pa sakin, naka all black sya na halos ka edaran ko lamang

"Who are you?" tanong nya sakin

"Im Y-Yukari" sabi ko sa kanya nagulat naman sya

"Get in the car" atumatiko nyang saad, agad naman akong pumasok sa loob

"T-Thanks" sabi ko sa lalaking katabi ko, ngunit Hindi manlamang sya sumagot

Nang nasa kalagitnaan kami ng byahe bigla syang nag salita

"Saan ka baba?" he ask napalingon naman ako sa kanya

"Police station" sabi ko

————-

Nang makarating na kami ng police station agad akong bumaba

"Miss Yukari?" tanong ni mang Edring ang driver namin lumapit ako sa kanya at agad syang niyakap at doon ako humagulgol
"Sinong nag dala sayo dito?" tanong sakin ni mang Edring agad naman akong humiwalay sa kanya

"Si an—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lingunin ko ang lalaking kasabay ko sa sasakyan ngunit wala na ito

"Sino iha?" tanong nya ngunit iginala ko ang akong tingin pero wala na ito

"N-Nakaalis na p-po sya" malungkot na sabi ko

"Oh my god my baby are you ok?" tanong ni mommy na kakadating lamang niyakap nya ako ng mahigpit

"Princess anong masakit sayo?" sabi naman ni daddy na alalang alala

"Mom Dad I'm ok na" sabi ko sa kanila at ngumiti

"Ahh miss tara na po muna sa loob upang makuha namin ang mga impormasyon upang mahuli na ang mga kumuha sayo" sabi ng pulis

"Let's go anak" mommy said

Napatingin ako ulit sa daanan kung saan kami nanggaling nung Misteryosong lalaki

"Thanks for saving my life, I hope I'll see you soon" bulong ko

———————
Hi 😊
Yukari is just 12 years old that time
And the misteryosong Guy is 13 years old but he know how to drive 😂 (trip by trip kasi)
Pa follow poooooo ☺️
----------------
Ito pong kwentong ito ay gawa ng aking makulit na imahinasyon lamang, ngunit ang mga pangalan ng mga karakter sa kwentong ito ay kinuha ko sa mga pangalan ng aking mga kaibigan at ang aking pangalan, sana ho ay magustuhan nyo ☺️
----------------
Support support 🖤

Im Inlove With The Gangster {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon