Chapter 29

1.8K 38 0
                                    

A/N:
Sorry sa wrong typo
------------
Steven POV

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop napaka boring kasi sa bahay dahil nga sabado, marami raming tao dito sa coffee shop well dahil siguro masarap ang tinda nilang kape at maganda rin kasing mag relax dito.

Habang nag kakape ako ay napatingin ako sa may entrance dahil nga nag bukas ito at naagaw ng isang babae at lalaki ang attention ko,

Nagulat ako ng tumingin sakin ang babae nang makita nya ako ay nginitian nya ako at parang sinabi nya sa kasama nya na pumunta sila sa gawi ko

"Uyyy Steven nandito ka pala" nakangiting sabi ni Jane sakin, Oo si Jane ang babae

"Yeah" sagot ko

"By the way si Jhoner pala boyfriend ko" pag papakilala nya sakin sa lalaking kasama nya

"Kamusta bro" nakangiting bati nya at nakipag kamayan sakin

"Ayus naman bro" sagot ko at nakipag kamayan rin sa kanya

"Hon wait me here mag oorder lang ako" sabi ng boyfriend ni Jane sa kanya

"Ok I'll wait you here makikipag kwentuhan lang ako kay Steven" sabi naman ni Jane nginitian naman ni Jhoner ito "Bakit ka nga pala nandito?" tanong ni Jane sakin

"Ahhhmmm kasi nag papagupit ako?" sarkastiko kong sabi sa kanya sinamaan nya naman ako "Tss malamang nag kape boring rin kasi sa bahay" sabi ko

"Ahhh, nga pala ahhhm may GF ka ngayon?" tanong nya

"Wala" mabilis kong sagot sa kanya

"Bakit naman?" tanong nyang muli sakin

"Kasi nahihirapan akong mag mahal ng iba" sagot ko

"Bakit?" tanong nya

"Kas——" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil ang salita syang muli

"Bakit Hindi mo sya hinanap? Bakit Hindi ka lumaban kung talagang mahal mo sya?" tanong nya napatigil naman ako

"Ano bang sinasabi mo?, Hindi mo naman alam ang lahat ah" inis na sabi ko

"Tsk" sagot nya

"Wala kang alam sa kwento ng buhay ko kaya wag mo akong sabihin yan na para bang wala akong ginawa para mahanap sya, wala kang alam!!" galit na sabi ko sa kanya, tumayo na ako sa kinauupuan ko at umalis.

Nakakainis lang kasi hindi naman nya alam ang mga pinag daanan ko noong nawala ang babaeng pinaka mamahal ko.

Hindi ko namalayan na umiiyak nanaman ako, buti nalang at nasa kotse na ako. Sobrang miss ko na sya, walang ibang babae na hihigit sa kanya.

Pinunasan ko ang mga luha ko saka nag drive na paalis sa coffee shop na yun.

Nakarating ako sa isang napaka gandang dagad, bumaba naman ako sa kotse ko, lumingon lingon ako sa paligid pero walang tao. Umupo ako sa may kahoy na upuan, napaka ganda rito.

Kung nandito sana si Samantha dito ko sya dadlhin, dito ko sya aayain ng kasal, napaka sarap sigurong mamuhay kapag kasama ang taong mahal mo, pero Hindi ko na yun magagawa dahil wala na sya, wala na yung taong sobrang minahal ko at Hindi ko na sya maibabalik hindi na sya babalik.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na wala na sya sakin, samin Hindi ko parin ito tanggap ngunit alam ko naman na wala na akong magagawa para buhayin pa sya, siguro nga ipinag tagpo kami ngunit hindi kami itinadhana.

Habang iniisip ko yung mga panahon na masaya kami ng biglang may pumatak na tubig sa kamay ko, napa tingala ako sa langit, nakita kong madilim ang mga ulap ay uulan na, nang pumatak na ang sunod sunod na ulan ay nanatili parin ako sa kinauupuan ko.

Im Inlove With The Gangster {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon