Chapter 28

1.8K 39 0
                                    

A/N:
Sorry sa wrong typo
------------
Kythe POV

Habang nasa cafeteria kami kumakain ay bigla kong naramdamang nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko naman ito para tignan kung sino iyon.

'Umuwi ka ngayon sa bahay nyo nilooban kayo'
From: 09*********

Hindi ko kilala ang may ari sa number na to, Ewan ko ba pero kinabahan ako bigla, tumayo naman ako para umalis, narinig ko pang tinatawag ako nina Shamma pero Hindi ko sila nilingon, Dali dali akong pumunta sa parking lot at pumasok sa kotse ko.

Nang mapaandar ko na ang makina nito nag madali akong nag drive, nang maka rating ako sa bahay ay agad akong umakyat, nakita ko na ang kwarto ko lang ang bukas.

Agad naman ako lumapit sa naka awang na pintuan ng kwarto ko, nakita ko ang dalawang babae na naka pang maid na damit naka hadusay sila sa  sahig, wala naman akong nakitang dugo kaya baka pinatulog lang sila ng kung sino, nilibot ko pa ang paningin ko at nakita kong gulo gulo ang buong kwarto ko mahahalata mong ninakawan talaga ito.

Hindi ko alam pero parang may nag uudyok sakin na pumunta sa kwarto ni Samantha, nagulat ako sa naabutan ko nagulo ang kama nito, pero baka pati dito ay nang galing ang mga mag nanakaw, pero sobrang imposible naman, kasi naka lock palagi ang kwarto ni Samantha at ako lang ang nag aayos nito.

Posible kayang nang galing sya dito at sya ang may gawa nun? Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang number ngunit Hindi ko na matawagan ito.

Sabik na na akong makita sya, humiga ako sa kama nya at pumikit, at Hindi ko namalayang naka tulog na pala ako.
——
Shamma POV

Sinundan namin ni April si Kythe kung saan man sya papunta, medyo hindi pa kami naka habol nun dahil sobrang bilis nyang mag patakbo, pero ilang minuto pa ay nakita namin syang bumaba sa sasakyan nya at pumasok sa bahay namin.

Pag ka parada ko ng sasakyan ay bumaba kami agad ni April, pag bukas namin ng pinto walang Kythe na bumungad samin pumunta pa kaming kusina pero wala sya .

"Tara sa taas baka nasa kwarto nya" sabi naman ni April, tumango lang ako sa kanya bilang pag sang ayon.

Nakita naming naka awang ang parehong pinto pero una naming pinasok ang kwarto ni Kythe na kalat kalat.

"Anong nangyari dito?" tanong ko

"Sa tingin mo alam ko? Duh mag kasama lang kaya tayo kanina" sabi naman ni April, maya maya pa ay may narinig kaming nag bukas ng pintuan sa may sala.

Pareho kaming napatingin sa isa't isa ni April, sinenyasan ko syang wag maingay, dahan dahan kaming nag lakad.

Nakita namin ang dalawang naka maid attire.

"Sino kayo?" tanong ko

"Ah ma'am kayo ho pala, kami po ang mag lilinis ngayon ng bahay nyo" sabi nung matanda

"Hali kayo may ipapakita ako sa inyo" sabi ko pa

Umakyat naman silang pareho at sumunod sa amin, nang makarating kami sa kwarto ni Kythe nakita kong napa takip ng bibig silang dalawa.

"Kilala nyo ba ang mga yan?" tanong ni April

"Hindi po ma'am ngayon lang po namin sila nakita" sagot ng matanda

"Sure kayong hindi nyo kilala ang mga yan?" tanong ko

"Opo ma'am matagal na akong nag tatrabaho rito ngunit ngayon ko lamang nakita ang mga iyan" sabi pa

"Sige tumawag kayo ng pulis at sabihing pumunta dito" sabi ni April tumango naman silang pareho

"Tara sa kabilang kwarto" sabi ko kay April tumango naman sya.

Im Inlove With The Gangster {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon