Chapter 25

1.8K 39 0
                                    

A/N:
Sorry sa wrong typo
------------
Kythe POV

Nandito na ako ngayon sa room, napansin ko naman si Angelo na nakangiti habang nakatuon sa cellphone nya, napakunot noo naman ako, dahil curious ako nilapitan ko naman sya.

"Sino ka text mo?" tanong ko sa kanya

"A-Ah w-wala naman babe" sabi nya at madaling tinago ang cellphone nya

"Eh bakit parang kinikilig ka kanina?" tanong ko

"Ako? Kinikilig? Hindi ah" sabi nya naman

"Para ka kasing timang kanina, ngumingiti habang may kinakalikot sa phone mo" sabi ko naman

"A-Ah wala yun babe" sabi nya

"Siguraduhin mo lang na hindi mo babae yan ah, malaman ko lang na May babae ka mananagot kayong pareho sakin" seryosong sabi ko

"Hahaha Ikaw lang ang babae ko babe wala ng iba" sabi nya naman

"Siguraduhin mo lang talaga Angelo ah" sabi ko saka umalis sa tabi nya
——
Matapos sa klase namin ay pumunta na kami sa cafeteria, nang maka order kami ay agad kaming nag hanap ng mauupuan, kumakain kami at nag kukwentuhan narin ng biglang May mag salita

"A-Ahmmm excuse me pwede ba akong maki share ng upuan? Wala na kasing bakante eh" sabi ni Jane sya yung bagong classmate namin na kamukha ni Samantha, nilibot ko naman ang paningin ko at totoo nga ang sinabi nya wala ng ibang bakanteng upuan kundi ang tabi ko

"Sige umupo ka na" sabi ko sa kanya

"Thanks" naka ngiting sabi nya sabay upo sa tabi ko

"Hi Jane ako nga pala si Roselie" pag papakilala ni Roselie sa kanya

"I'm Claire Dane"

"I'm Shamma"

"I'm April"

"I'm Jamica"

"Kythe" pag papakilala naming lahat sa kanya

"Ako nga pala si Yu—— Jane Valdez" sabi nya naman "nice to meet you all" dag dag nya pa, habang nag kukwentuhan sila ako naman ay tahimik lang nang may mahagip ang mata ko.

Nakita ko si Angelo na nalatayo sa may puno habang may kausap, Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil naka talikod ito sakin.

Maya maya pa ay nabigla ako sa nakita ko, hinalikan ng babae si Angelo sa pisngi bago ito umalis, naka ngiti naman ang gago, nag iinit ang dugo ko sa kanya, nakita kong papunta si Angelo dito naka ngiti.

Nang maka lapit sya sakin ay hahalikan nya sana ako ng bigla akong umiwas, umupo sya sa left side ko dahil nga meron si Jane sa right side ko

"Bakit yan Lang kinakain mo babe?" tanong nya sakin pero Hindi ko sya pinansin "dapat damihan mo kinakain mo babe nangangayayat ka na oh" imbes na pansinin ko sya ay tumayo nalang ako at umalis sa cafeteria

"Babe wait" rinig kong sabi nya pero pinag patuloy ko parin ang pag lalakad, pero habang nag lalakad ako ay hinigit nya ang kamay ko

"Ano ba bitawan mo nga ako" iritang sabi ko sa kanya, binitiwan nya naman

"Ano ba kasing problema mo?" tanong nya

"Ikaw! Ikaw ang problema ko" sabi ko at naiiyak na

"Why? Ano bang ginawa ko?" tanong nya

"You know what? Let's just end this" sabi ko

"W-What? No Ayaw ko ayaw kong makipag hiwalay" sabi nya "please tell me what is your problem? Sabihin mo sakin para maayos natin to wag ka namang makipag hiwalay" dag dag nya pa at nag susumamo sya

Im Inlove With The Gangster {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon