Chapter 24

1.8K 45 1
                                    

A/N:
Sorry sa wrong typo
------------
Steven POV

Nagising ako ng may yumuyugyog sa akin

"S-Sorry cher I'm late" rinig kong sabi ng kung sino, kaya napatigil naman ako, tumayo ako at pumunta sa harapan nya para yakapin

"S-Samantha" sabi ko saka humiwalay ng yakap "I miss you wife" dag dag ko pa at pinag dikit ko ang noo namin

"S-Sino k-ka?" tanong nya nabigla naman ako

"Mr. Castillo Bakit mo niyayakap si Ms. Valdez?" tanong ni Ms. Gamoro

"She's not Samantha" sabat ni Kythe "they have the same face but she's not our Samantha, nandun naman kayo mismo sa lamay ni Samantha noon diba, respeto mo naman yung tao" dag dag nya pa saka tumayo at lumabas.

"I-I'm sorry miss" pag hihingi ko ng pasensya sa babae "akala ko kasi Ikaw sya" dag dag ko pa

"A-Ah ok lang" nahihiyang sabi nya, bumalik na ako sa upuan ko, Kythe was right they have a same face but she's not MY Samantha.

"Ok lang yan pre, kami rin noong una namin syang nakita ay napag kamalan namin sya ay si Samantha akala nga namin multo nun eh" sabi ni Reyniel

"Yeah I agree, I know that you miss my sister, kami rin naman eh miss na miss na namin sya lalo na si Kythe, konting bagay lang na may kinalaman kay Samantha nagagalit na sya" sabi ni Angelo Hindi ko nalang sila pinansin
——
Lunch time na at pinili ko nalamang na pumunta sa office nya.

Pag dating ko sa office nya para parin syang nandito dahil sa amoy nya ay nandito parin, kumuha ako ng ice cream sa ref nya, sigurado pag meron sya dito ayaw nyang magalaw ang ice cream nya.

Umupo ako sa sofa at kumain ng ice cream, pati ang pag higa nya nun sa hita ko ay miss ko na, miss ko na sya, pero wala naman na akong magagawa dahil wala na sya.

Pag kaubos ko ng ice cream humiga nalang ako sa sofa wala akong balak na pumasok kaya dito na muna ako matutulog, pumikit na ako para matulog.

Naalimpungatan ako ng may humawak sa mukha ko, dinilat ko ang mga mata ko may nakita akong imahe ng isang babae, malabo noong una pero ng tumagal na ay naging malinaw na ang imahe.

Nakita kong naka ngiti si Samantha sakin, ngumiti rin naman ako sa kanya

"Bakit Hindi ka pumasok?" tanong nya

"Namiss kasi kita" sagot nya naman

"Napaka babaw namang rason yan hubby, dapat pumasok ka parin" sabi nya naman

"Mas gusto kong kasama ka" sabi ko

"Tss ang kulit mo" sabi nya "mag ingat ka ah I love you hubby" sabi nya saka ako hinalikan sa labi

Pag dilat ko ay walang Samanthang bumungad sakin, parang totoo ang mga nangyari kanina ngayon ko lamang napag tanto na panaginip pala ang lahat ng yun, sana kung mapanaginipan ko ulit sya ay hindi na ako magising mas gusto ko kasi syang kasama.

Napatingin ako sa oras ko at nakita kong 5:30 pm na kanina pa pala nag uwian, tumayo na ako para lumabas, punta ako ng parking lot, napatingin ako sa kabuuan ng university, napaka lawak nito at napaka ganda tahimik na rin ito dahil wala na ring tao.

Pero habang nililibot ko ang paningin ko ay may nakita akong bata na naka tayo, napa kunot naman ang noo ko, lumapit ako sa kanya para tanungin kung bakit sya nandito.

"Bata? Bakit ka nandito? Sino kasama mo?" tanong ko lumingon naman sakin yung bata

"Nothing I just want to come here" sagot nya

Im Inlove With The Gangster {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon