Chapter 13

2.3K 56 1
                                    

A/N:
Sorry sa wrong typo
------------
Samantha POV

Nandito na kami sa harap na pintuan, at ng mabuksan ang pintuan ay bumungad samin si Shamma

"Bakit ngayon lang kayo?" bungad nya samin

"May pinag usapan lang kami ng kuya nya" sabi naman ni Kythe

"Ahh, tulungan ko na kayo" sabi naman nya hindi nya napansin si Joy sa tabi namin "akin na yan ako na mag bubuhat" sabi pa nya kay Joy tumawa naman kami

"Salamat Sham" sambit ni Joy

"Haha wala yun tara pasok na tayo" sabi ni Shamma wengya bulag ba sya? O sadyang hindi nya lang kilala, nakita ko si Kythe na palihim na tumatawa

"Sinong bumili nyan? Sila Samantha ba yung dumating?" sunod na tanong ni Jamica

"Ahh Oo sila nga may kasama silang bisita" sagot naman ni Shamma

"Bisita? Sino?" tanong naman ni April, tinulak ko si Joy sa harap nila

"Ano ba Nicole wag ka manunulak" reklamo naman nya

"Pakilala ka na kasi" sabi ko naman

"Oo na kelangan talagang itulak ako eh" sabi naman nya tinawanan ko lang sya "Hi girls ako ng pala si Claudine Joy" pag papakilala nya

"Ganda naman ng pangalan mo alam mo ka pangalan mo yung isang kaybigan namin" sabi ni Jamica

"Oo nga kapangalan mo" sabi rin ni April

"Ako nga yun" sabi naman ni Joy

"Hindi malabo yun ang ganda ganda mo tapos yung kaybigan namin para syang alien na ewan" sabi ulit ni Jamica

"Agree ako Jan" sabi rin ni April lumakas ang tawa namin ni Kythe

"Ahh ganun ba?" sabi naman ni Joy "Oyy kayong dalawa tumigil nga kayo kakatawa jan tulungan nyong kong balian ng buto tong dalawang to" sabi pa ni Joy

"Hahahaha kaya mo na yang dalawang yan Joy manonood nalang kami sa inyo haha" natatawang sabi ni Kythe

"ATE JOOOOOOOY!!!" sigaw nila Shamma at dinamba ng yakap si Joy

"Aray Ano ba bitawan nyo nga ako kakalbuhin ko mga buhok nyo pag di pa kayo bumitaw" banta ni Joy bumitaw naman silang lahat aba takot lang nilang ma kalbo, lahat kasi ng banta ni Joy tinototoo nya

"A-Ate Joy?" hindi maka paniwalang sambit ni April at Jamica

"Yes?" tanong naman ni Joy at lumapit sa kanilang dalawa "Sino nga ulit yung alien?" dag dag pa nitong tanong

"A-Ah e-eh wala yun ate" sabi naman ni Jamica

"Tigilan nyo nga yang pag tawag sakin ng ate for your information I'm just 18 years old duh" sabi naman ni Joy

"We like calling you Ate haha" sabi naman ni Shamma

"Kahiya naman sayong bruha ka 19 kana uyy" sabi naman ni Joy

"At least maganda" sabi naman ni Shamma

"Pwede bang dun nalang tayo mag kwentuhan? Nakakangawit kaya ang tumayo" sabi naman ni Kythe

"I agree" sabi ko naman

Nang makaupo kami nag kwentuhan lang kami at tawanan

"Nga pala alam ba nila tita na nandito ka?" biglang tanong ko

"Sila pa nga nag sabing umuwi kami eh" sabi naman nya

"Wait kami? So may kasama kang umuwi?" tanong ni Jasmine

Im Inlove With The Gangster {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon