Chapter 64

2K 40 0
                                    

A/N:
Sorry sa wrong typo
------------
Samantha POV

Nandito na kami sa bahay kagabi palang, mas ginusto na naming umuwi sa bahay kesa mag stay sa hospital. At si Mary Jane? Nasa hideout kinulong namin dahil gusto namin syang makausap, maging si hubby ay nagulat, duh sino bang hindi magugulat ex girlfriend nya ang mag tatakha sa anak namin? Tss

"What if kumuha nalang kayo ng yaya ng mga baby para naman hindi ka mastress" sabi ni Jamica

"Nah, ok lang mastress at least naaalagaan ko ang mga anak ko, may mga securities naman kami dito sa bahay namin hindi lang basta securities mga Gangster pa na kaya kaming protektahan, if ever namang may mangyari nandito naman kami ni Steve handang makipag patayan para sa mga bata" sabi ko

"Papalipatin ko si bullet at ang iba ko pang pinag kakatiwalaang tauhan jan lang sa tapat ng bahay nyo para naman maging sure na nasa maayos na lagay kayo" sabi ni Tina, kompleto kami ngayon pati sina May Ann ay nandito, ay hindi pala kami kompleto dahil wala si ate Alliah nasa bahay nila

"Dapat kasi kila tita muna kayo eh" sabi naman ni Kythe

"Aanhin pa tong bahay namin ni Steve kung sa ibang bahay naman kami titira" sabi ko naman

"Oo na lagi ka namang tumatangi eh, nga pala pano pala yung plano natin?" tanong ni Shamma

"Plano parin malamang" sagot ko naman

"Alam mo kung pwede lang na batukan ka ginawa ko na" inis na sabi nya

"Tss, may balak ka pa bang gawin yun?" tanong naman ni Kythe

"Oo next week, aayusin ko muna ang tungkol sa MJ na yun, dalhin nyo sya bukas dito sa bahay, gusto kong managot sya sa pag tatangka nya sa mga anak ko" seryosong sabi ko

"Anong balak mo sa kanya?" tanong ni May Ann

"Tatakutin" simpleng sagot ko

"Ay dapat sampalin mo" sabi naman ni Jamica

"Tapos sabunutan" sabi naman ni april

"Alisin ang mata!" sigaw naman ni Shamma, nadiri naman ako sa sinabi nya

"Ang brutal mo naman" sabi ni Andrea ng naka ngiwi pati kami ay naka ngiwi rin

"Ang OA mo sa part na yun Shamma ah" sabi ni Claire napatawa naman silang lahat samantalang ako ay napaling iling nalang, habang nag kukwentuhan kami ay biglang imiyak ang mga baby ko, shete sabay sabay talaga silang umiyak, inuna ko ang panganay ko sakto naman at biglang sumulpot sila Steve kaya binuhat nya ang nag iisang prinsesa namin si Kythe naman ang nag buhat kay baby Ammiel

"Kythe pwede na" sabi ni April

"Ulul" sabi naman naman ni Kythe kaya napatawa naman kami.

Hapon na noong umalis sila dito sa bahay namin, sabi ko pa ay dito nalang sila kumain pero huwag nalang daw, ayaw ko namang pilitin ang ayaw no.

"Wife" tawag sakin ni hubby

"Hmm?" sagot ko naman

"Papayag ka bang umalis sa bansa?" tanong nya natahimik naman ako "nag suggest kasi ang kuya mo Angelo, ang sabi nya pumunta daw muna tayo sa ibang bansa, pero ang sabi ko naman sasabihan muna kita, I think tama sya wife pumunta muna tayo sa ibang basa then balik tayo dito after a years" sabi nya, I think tama sila, gusto kong maging mapayapa ang pag laki ng mga anak ko

"Sige hubby para sa mga anak natin" sabi ko ngumiti naman sya "Kelan tayo aalis?" tanong ko pa

"Bukas" sagot nya mukhang hindi na matutuloy ang surprise party namin sa kanya ah "itatawag ko nalang sa secretary ni daddy na ihanda ang private plane namin para bukas ng hapon makakaalis na tayo" sabi nya pa

Im Inlove With The Gangster {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon