Chapter 4- Scent of Summer

56 5 0
                                    

Chapter 4
Scent of Summer

 

Pristine's POV

"SUNOG SUNOG!"

Napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa paligid. "Nasaan? Saan ang sunog?"

Pero noong nakita ko si kuya na may hawak na kawali at spatula... "Pfft-- Best in reaction ka talaga utol ko!" pang-aasar ni kuya at sumabog na kakatawa habang ako naman pinagmasdan na lang siya habang nagtitimpi. Ang sarap sarap ng tulog ko... sisirain niya lang at mangtitrip pa na may sunog?!

Nung kumalma na siya, pinunasan niya muna yung luha niyang tumulo kakatawa at nagsalita. "Bangon ka na diyan, tanghali na."

"Che! Di kita bati," pagtatampo ko. Gigisingin niya ako dahil tanghali lang eh wala naman akong pasok ngayon. 

Teka. Tanghali... "Tanghali na?!" Kinuha ko ang alarm clock sa side table at nanlaki ang mga mata nang makitang 11:27 am na. Napuyat ako sa debut ko. Huhuh. 

"Kuya si papa?" tanong ko at umaasang sasabihin niya na nasa sala lang siya kaso, "Umalis na," sagot niya.

Halos pagsakluban ako ng langit at lupa. "Bakit kasi ngayon mo lang ako ginising?" 

"Bah, nasisi pa ako. Bakit kasi tulog mantika ka?" pabalang niyang sagot.

Bumangon na lang ako ng kama at padabog na lumabas ng kwarto.

Nakakainis! Hindi man lang nila ako hinintay magising. 

"Nakasimangot yata si bunso?"

Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni daddy. Lumingon ako sa sala at nakita doon si daddy na may hawak na diyaryo habang katabi nito yung bagahe niya. Nag-init ang mga mata ko at tumakbo sa kanya para yumakap.

"Daddy! Akala ko umalis ka na. Akala ko hindi na kita maabutan. Si kuya Edmund kasi nipagtripan ako," pagsusumbong ko. Tumawa lang siya at hinimas himas ang buhok ko.

"Pwede ba naman yun? Hindi ko hahayaang hindi ako ihatid sa airport ni bunso," sabi ni daddy at piningot ang ilong ko.

Err... si kuya talaga ang lakas ng trip kahit kailan!

Kumain muna kami ng lunch sa bahay bago pumuntang airport. Mamaya pa pala kasing 2:30 ang departure ni daddy.

"Ikaw ba Edmund, wala pa ding girlfriend?" tanong ni daddy na halos ikasamid ni kuya.

"Wala pa dad!" mabilis nitong sagot. 

"Weh? Daddy ang landi landi kaya niyan kapag nasa school," pagsisinungaling ko. Gusto ko lang gumanti kay kuya, hmp!

Fangirl's MedleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon