Chapter 6
Midnight ChemicalsPristine's POV
"Eh, baka naman sirena?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Maehri. "Anong sirena? Lalaki si Marco Tan my love so sweet! Straight, 100 percent, period, locked, tapon susi!" pagdedepensa ko. Grabe naman si bestot, parang hindi niya kilala si Marco para paghinalaan ng ganoon huhu.
"Eh kasi malay mo may interes pala sa head band mo kaya ganun. Gusto niyang makita kasi gusto niya kunin---aray! Joke lang naman," biglang bawi niya dahil hinila ko ang long straight black hair niya.
"Ah basta! Eto na yun eh, nararamdaman ko na ang start of something namin ni hihihi."
Nagmake face lang siya at sinimulang kainin ang binili niyang food. Nasa cafe kami dahil lunch time na.
"Alam ko namang inggit ka sa akin bestot wag ka nang mag-anek ng itsura diyan. Bakit kasi di ka pa dumamoves sa Silver mo?" tanong ko. Aba ang labsturi ko umaandar na, sa kanya mouth open open pa rin, in tagalog nga-nga.
"Paano naman kasi makakascore kung laging nasa tabi ko yung hinayupak na Warren na yun. Buti nga wala ngayon para kulitin ako," nakabusangot niyang sagot. "Atsaka bakit ako ang lalapit kay Silver? Siya manligaw kahit cute pa siya!"
Napailing na lang ako. Ano to, Maria Clara ang drama niya? Pabebe pa.
Naalala ko tuloy noong first year college kami, inis na inis siya kasi bukambibig ko ang Midnight Chemicals. Kesyo di naman daw sila ganun kagwapo at ang sakit sa tenga ng mga kinakanta nila, bakit daw ako nakikisali sa mga fangirls ng banda.
Pero dahil siya lang ang bestfriend ko at ako lang din ang bestfriend niya, no choice siya kung hindi sumama sa akin sa panonood ng gigs nila. Hanggang sa unti-unting lumambot ang puso ni bestot at napukaw ang kanyang puso ni Silver Antonio, ang cute drummer na lalong kumukyot pag nalabas ang eyesmile. And now, magkaramay na kami sa panga-admire sa Midnight Chemicals, yey! *O*
Kasi naman, high school pa lang crush ko na talaga si Marco. Siguro hindi niya alam na same kami ng pinasukang school kasi freshman pa lang ako nun tapos junior na siya. Hindi pa sila active na banda noon, para bang saka lang sila nabubuo as band kapag may mga program sa school at sila ang tutugtog. Pero alam ko malalim na talaga ang pagkakaibigan nilang apat, kaso si Marco magpagka-introvert ata yun dahil hanggang ngayon... minsan lang makisama sa kabanda.
Kaya kahit neneng pa ako nun, lagi ko siyang inaabangan pag breaktime, lunch time, hanggang sa gate. Kapag nga nauutusan ako ng teacher pumunta sa faculty room o kung saan, syempre hindi maiiwasan na dumaan sa building nila at sisilip ako sa classroom niya. Hihihi kinikilig tuloy ako pag naalala ko.
Minsan tuloy naiinis ako kung bakit late ako pinanganak. Bakit hindi na lang kasing edad ko si Marco para ako ang kapartner niya sa prom at graduation ball noon. Kaso nang malaman kong di naman pala nagpupunta ng ganun si Marco, eh binawi ko na yung thought na yun. Kaso noong graduation nila, bumalik na naman sa isipan ko kung bakit hindi kami sabay magkakacollege. Maiiwan ako ng 2 years. Ang tagal ko kayang maghintay!