Chapter 2
He follows youPristine's POV
"Bestot Maehri naman eh!"
"Eh anong magagawa ko? Bakit ba kasi ang tagal mag next week? Ayan tuloy na-banned tayo sa bar. Nandamay ka pang gaga ka. Hindi ko tuloy makikita ng malapitan si Silver."
Kita mo to, ako 'tong nagtatampo, hindi man lang makiramay, nanisi pa.
"Ano nang gagawin ko?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at patuloy lang sa pagdodoodle sa notebook niya. "Maehriiiiiii!" Inalog-alog ko siya at nang marindi na, binaba niya ang ballpen at poker face na tinignan ako.
"Punyatera," malutong niyang sabi. Wala talaga sa bokabularyo niya ang hindi magmura kahit isang araw. "Bilhan mo na lang ako ng pagkain. 'Yon ang pinakamabuting magagawa mo." Sumandal siya sa upuan at nag-cross arms.
Kaya pala dito sa cafe naisipan niyang tumambay. Gusto lang pala magpalibre, walanghiyang kaibigan.
"Hello ladies!" Napaangat ako ng tingin at nakita si Kuya Edmund na may dalang tray ng pagkain niya. Naghila siya ng isang upuan sa katabing table since for two seats lang itong pwesto namin ni Maehri.
"Good timing ka talaga Edmund, penge." Bago pa maprotektahan ni kuya ang pagkain niya, mabilis na nanakaw ni bestot and burger ni kuya at agarang kumagat ng malaki doon.
"Salamat!" sabi ni bestot habang punong puno ang bibig at pinupunasan pa ang ketchup sa gilid ng bibig.
Tinignan ko si kuya at mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ang itsura.
"Hindi ko alam pero nagkamali yata ako ng pwinestuhan na table. Pakshet ka, yung cheese burger ko!" pagmamaktol ni kuya. Ngumiti lang si Maehri at nagdoodle na lang ulit sa notebook.
4th year college na si kuya sa kursong Philosopy. 2 years din ang agwat niya sa amin ni Maehri though matanda ng ilang buwan sa akin si bestot. Sophomore na kami ni bestot at parehas kaming fine arts major. Tapos si Marco naman 4th year engineering student. Diba ang cool? Hohoho.
"Oo nga pala Pristine, hindi ako makakasabay sayo pag-uwi."
"Hala, bakit?" Siguro gumaganti siya kasi iniwan ko siya kahapon. Huhuhu, ayaw ko pa namang sumabay pauwi kay kuya kasi lagi ako niyang binubully.
"Secret---"
"Magdedate kasi kami."
Napatingin kami kay Warren na bigla na lang sumulpot. Ano daw, madedate sila? Teka... may hindi ba ako nalalaman?
"Ulol. Bawas bawasan paghithit ng shabu ah?" Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni bestot. Akala ko pa naman tunay na. Nakalimutan ko, grabe nga pala pagkasuklam niya kay Warren.