Chapter 1- You are invited

217 7 3
                                    

Chapter 1
You are invited



Marco's POV

"Hanggang kailan mo ba ako iiwasan?"

Natigil siya sa paglalakad at may ibinulong sa mga kaibigan. Mabuti naman at marunong umintindi ang dalawa niyang kasama para umalis at iwanan kaming dalawa lang ni Summer. Humarap siya sa akin at malalim na napabuntong hininga.

"Marco, sinabi ko naman sayo diba? Wala kang mapapala sa akin. Umalis ka na," malumanay niyang sabi. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bouquet of flowers na binili ko para sa kanya.

Hindi. Hindi ako susuko. 

"Ganyan ka ba bumati sa monthsary natin?" 

"Marco, wala na tayong monthsary kasi wala ng tayo. Tigilan mo na lang ako pwede? Hindi na nga kasi pwede," naiinis niyang saad na para bang kulit na kulit na siya sa mga pinaggagawa ko. Kasalanan ko ba? Desperado na kung tignan, tangina, mahal ko eh.

Aalis na sana siya nang may pahabol akong sinabi. "Bakit ba ang dali para sayo lahat? Pinaglalaban ko na nga, bakit pilit kang sumusuko? Bakit ang bilis mong makalimutan yung apat na taon natin? Summer, ang sakit na. Ang sakit sakit na."

Naghintay ako ng sagot mula sa kanya pero tumakbo lang siya paalis. Bumuntong hininga ako at mariing pumikit. Tumingala ako sa langit at naghabol ng hininga kahit hindi naman ako tumakbo o gumawa ng kung anong ikakahingal ko.

"Bullshit!" Marahas kong itinapon ang mga bulaklak. Sumandal ako sa puno at ipinatong ang dalawang palad sa mga tuhod ko.

Nakakainis. Ano bang problema niya? Dahil ba sa lintek na mga magulang namin? Bakit ba ang bilis bilis niyang sumuko? O baka naman, hindi na niya ako mahal?

Bwisit. Ano, ganun ganun na lang? Samantalang ako na---

"Ano?" tanong ko sa babaeng nakatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata niya at kanpansin pansin ang pamumula ng pisngi. "H-hi?" Awkward siyang ngumiti at bigla na lang tumakbo. Weird.

Hinubad ko na lang ang suot suot na polo hanggang sa matira ang white t-shirt sa ilalim niyon. Nilagay ko ang white polo sa loob ng bag ko at nagsimula nang lumakad palabas ng university.

Habang naglalakad, hindi ko naman maiwasan na maramdamang may sumusunod sa akin. Tumingin ako sa likod pero wala naman akong nakita.

Hmmm, tignan natin kung makasunod ka pa.

Tumakbo ako ng mabilis at lumiko para magtago. Nagbilang ako ng isang minuto bago sumilip at nang masigurado kong wala na yung sumusunod sa akin ay lumakad na ulit ako.

Tsk, bakit ba kasi naglipana ang mga stalker? Nakakairita sila. Lumakad na ako ulit at dumiretso muna sa Stoney Rocks bar.

Fangirl's MedleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon