Chapter 7- Lollipop

105 8 5
                                    

Chapter 7
Lollipop

Pristine's POV

"Kuya san ka punta?" tanong ko kay kuya Edmund.

"Maggogrocery?" sagot niya na parang gulong gulo kung ano nga ba ang gagawin niya. 

"Sama ako! Hehe," malapad kong ngiting sabi. Please kuya, madaan ka sa kyotness ko. *u*

"Halata ngang sasama ka," sabi niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Eh kasi naman nung narinig kong pinapapunta ni mommy si kuya sa mall, nag-ayos agad ako para makasama. Weekend naman at for sure na paglilinisin lang ako ni mommy pag naiwan ako kaya sasama na lang ako. I'm such a good girl! *O*

"Tara na!" Inakbayan ako ni kuya habang naglalakad. Wait! More like sinasakal niya ako, meh~

"Kuyaaaaaa!" pinalo ko ang braso niya pero nag-make face lang siya.

Si kuya talaga, lagi akong pinagtitripan.

"Kuya yung buhok ko nagugulo." Ang ganda pa naman ng pagkakatirintas ko sa buhok ko. >_<

"Oh yan na. Arte." And it's my time to make face.

"Hay nako kuya. Kung mag-girlfriend ka na kaya ng may babae ka ng nilalambing imbes na ako," sabi ko at kumapit sa braso niya.

Alam ko naman na sa tuwing pinagtitripan niya ako, gusto lang niyan manlambing. Kyot kasi si kuya. Hindi siya yung tipong siga na basta basta na lang mambabatok ng kapatid dahil siya ang mas matanda. Siya kasi, nambabatok dahil trip niya lang talaga. Attention seeker kumbaga. 

"Girlfriend? Psh. Madaming iiyak pag nacommit ang isang Edmund Villasor," proud na proud niyang sabi at may pogi sign pa. Pwe! "Kuya pwedeng mahiya..."

"Pero di nga, bat ayaw mo maggirlfriend?"

"Hassle kasi kayong mga babae. Tampuhin, pabago bago isip, maarte, nambubutas pa ng bulsa. Ays na kong single but yummy. Chill lang."

Napangiwi ako sa sagot niya. Ano daw? Single but yummy? Minsan talaga nasosobrahan sa paghithit ng oxygen si kuya kaya humahangin.

Pero nagtataka talaga ako kung bakit wala siyang shuta sa buong college life niya. Ang kauna-unahan at huling babaeng pinakilala niya sa amin ay si ate Sandy noong 4th year high school pa si kuya. Ang tagal na noon. Di ko nga alam kung bakit sila nag-break.. tapos hindi ko na rin talaga nakikita si ate. Akala ko pa naman nahanap na kuya ang forever niya noon. Halos perfect na kasi silang dalawa eh.

Pagdating naming mall, dumiretso na kami sa grocery. Unti lang naman ang nasa listahan ni mommy, may pinadala kasi noong isang araw si daddy na package kaya yoong mga wala lang sa bahay ang bibilhin. Pero etong si kuya, sige sa paglagay ng chips and chocolates sa cart.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fangirl's MedleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon