Chapter 5- Unlucky... or not?

48 6 0
                                    

Chapter 3
Unlucky... or not?

Pristine's POV

"Hindi ka pa ba sasabay sa kuya mo?" tanong ni mommy habang nanonood ako ng tv.

"Mauna ka na kuya. Aga pa eh," sagot ko habang tutok sa pinapanood. Alas otso pa lang naman, mamaya pang 9 ang first subject ko. 

Maya-maya nagulat na lang ako ng patayin ni mommy yung tv. "Hala!!! Nanonood pa ako eh," pagmamaktol ko na unti na lang mapapadyak pa ako.

"Tumigil ka nga diyan. Panay ka cartoons, ke tanda na. Ubusin mo na yang agahan mo!" sermon na naman ni Miriam... de joke ni mommy. Mamaya palayasin ako pag nag-first name basis ako.

Pero nakakainis kasi talaga huhu. "Mommy, hindi yun cartoons. Anime yun. Anime!" inemphasize ko talaga ang word na anime dahil lagi na lang tinatawag ni mommy na cartoons yun kahit hindi. Technically, ang anime at cartoons ay same lang naman talaga in terms of meaning dahil parehas lang na animated iyon. Pero sana naman maappreciate niya na ang anime, gawang Japanese at pang-western naman ang cartoons. At hindi mo basta-bastang masasabi na parehas nga ang dalawa dahil hindi! Hindi mo pwedeng sabihin na ang cartoon ay isang anime, at sana ganun din vice versa. Katulad ng Mr. Bean na isang cartoon pero hindi anime at ng Naruto na anime pero awkward tawaging cartoon. Magkaiba sila. Capital em ey dyi key ey ay bi ey!

"Ewan ko sayo anak. Anime, cartoons malay ko ba sa mga yan!" at si mommy pa talaga ang naimbyerna. Ipaglalaban ko pa sana ang side ko kaso tinalikuran na niya ako at tumungong cr para magpatuloy sa paglalaba.

Hirap talaga pag may magulang na nabuhay sa panahon ni kopong kopong, Obvious naman sigurong otaku ako? Ang cute kasi nila, at ang tanging nagpapakilig sa akin maliban kay Marco. *O*

"Alis na ako mommy. Uy Pristine una na ako, bye!" pagpapaalam ni kuya habang nagmamadaling lumabas ng bahay. Naalala kong 8 nga pala ang oras ng pasok niya tuwing Friday. Hah, late buti nga. >:)

Inubos ko na lang ang breakfast ko dahil hindi ko naman pwedeng buksan ang tv, mamaya masigawan na naman ako. Ako na ang naghugas ng kinainan ko pati ng kinainan nila kuya dahil kawawa naman si mommy na napakadakilang housewife. Siya na nga naglalaba ng damit namin, simpleng hugasin na nga lang ito tapos hindi ko pa magagawa? Aww, good girl ako eh.

Umakyat ako ng kwarto para makapag-ayos na. Naka-uniform naman na ako kaya plinantsa ko na lang yun gamit ang palad dahil medyo nakusot. Humarap ako sa vanity miirror at sinuklay ang curly brown hair ko. Straight and black naman talaga ang original kong buhok dahil wala kaming ibang lahi para mag-iba ng kulay yun. Nagpa-salon lang ako dahil highschool pa lang pangarap ko na talagang maging ganito ang buhok ko. Kaya nung nag-college edi gora na ako. Inggit kasi ako sa mga kpop idols ko, meh.

Oo nga pala, bukod sa pagiging otaku, kpopper din ako. Ang cute din kasi nila lalo na ni Hyeri bibi ko. *O* So hindi naman ako mahilig sa mga cute? Hindi talaga, promise. Meh~

So balik sa buhok ko. Para makontento ako lalo, sinuot ko ang headband na may maliit na bunny ears sa gilid. At para mas makontento ako sa itsura ko, naglagay ako ng light blush on at lip gloss. Medyo OC kasi pero pag nasa school o may lakad lang naman ako nagme-make up. Gusto ko lang naman gumanda sa harap ng iba... lalo na kay Marco. >3<

Fangirl's MedleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon