Chapter 3
Being HopefulMarco's POV
"Oh, nandito ka na naman Marco?" Lumapit sa akin si Kier at tinapik ang balikat ko bago umupo sa katapat na upuan.
"Ano bang problema mo kung nandito ako?" tanong ko sa kanya. Panira ng araw. Lagi na lang umeepal kapag gusto kong mapag-isa.
"Init naman ng ulo. Hindi pwedeng kinakamusta lang? Oo nga pala, hinahanap ka sa akin nila Atom kanina ah."
"Oh?"
"Tipid ng sagot."
Tsk. Ano naman kung hinahanap ako ni Atom? Tss, bakit ba kasi ang daldal ng isang to. Minsan nga maghahanap na ako ng ibang bar na mapagtatambayan.
"Hindi ka man lang nagtataka kung bakit ka hinahanap sa akin ng mga kabanda mo?" pangungulit pa niya.
"Tangina sabihin mo na nga. Naririndi na ako sayo. Ano ba daw yun?" iritado kong sabi at ininom ng oneshot ang San Mig Light ko. Hindi na naman kasi ako pinansin ni Summer kaya balak ko sanang makalimot ngayon pero ayokong malasing agad kaya light lang ang inorder ko.
"May lakad nga daw kayo ngayon. Eto oh, ibigay ko daw sayo pag naabutan kita dito." May inabot siyang envelope at kinuha ko iyon para matignan ang loob. "Punta ka daw diyan. Tarantadong Atom na yun, binalaan pa akong wag tignan ang loob at baka mang-gate crash pa ako. Sino ba yang Pristine na yan?"
Ah. Ngayon pala debut niya.
Mukhang kailangan ko na nga talagang maghanap ng ibang lugar. Madali na lang nilang natutunton kung nasaan ako eh.
"Uy, sino nga yung Pristine?"
"Bakit ko sasabihin sayo?"
"Dahil pinsan mo ako?"
Tss. Muntikan ko pang makalimutan na pinsan ko pala si Kier. Taga Preston Academy din siya pero kaunti lang ang nakakaalam na magpinsan kami. Hindi sa tinatago namin, ayaw lang namin ipagkalat dahil hindi naman worth it ipagyabang na pinsan ko ang isang Kier Anthony Tan.
Unlike him, I'm a rebel one, obvious naman sa iba dahil nakikipagbasag ulo ako. Mama's boy kasi ang gago. At itong bar na inaangkin niya ay sa kapatid nitong si Francis. He's somehow a playboy but I don't know since hindi naman kami ganoon ka-close. Madalas ko lang siyang makitang may ka-hook up na babae.
Matapos kong basahin yung invitation, nilapag ko na lang iyon sa table.
"Gusto mo pumunta? Sayo na yang invitation," walang gana kong sabi sa kanya.
Pinagkrus niya ang mga braso at pinapingkitan ako ng mata. "Mukhang imprtante yung tao, bihis na bihis yung tatlo eh. Bago mo no?"