Chapter 1.2 The Maldita II

20.3K 549 18
                                    

(XHEILA ON THE SIDE-->>>)


--- ---
[XHEILA ZHATRIYA RAMOS]

"Xheila? Sigurado ka b'ang okay ka lang? Namumutla ka e. Saka ano ba 'yong napanaginipan mo kanina?" tanong ni Diane na katabi ko ngayon. 'Di kami nakikinig sa teacher. Boring.

"Wala. Wala," tanging sagot ko. Baka 'pag kinwento ko sakanya asarin pa niya ako. Sabihin pa niyang naniniwala ako sa kaweirduhan ng Wizard Academy na yan. Tss.

"Oh sige. Mamaya nga pala hindi ako makakasabay sayo sa pag-uwi ha? May pupuntahan kasi kami nina Mommy, " pagpapaalam niya.

Tumango naman ako. Magkapit-bahay lang kasi kami ni Diane. Si Lyn at Zyra iba 'yong way ng papunta sa bahay nila.

Naglalakad lang ako pauwi kasi malapit lang yung bahay namin. Kaso ayokong maglakad mag-isa mamaya. Kahit naman maldita ako natatakot parin ako noh! Ayoko mang pumayag na hindi sya sasabay sakin, wala naman akong magagawa kasi baka makahalata sya na may problema ako. Baka pagtawanan pako ne'to.

Buong discussion ay wala ako sa sarili ko. Iniisip ko ung nangyari kanina sa panaginip ko. Panaginip nga ba talaga 'yon? Kasi parang totoo talaga! Pero ba't nandito pa rin ako sa school pagkatapos no'ng nangyari? Malinaw na panaginip lang 'yon. Hindi ko lang matanggap sa sarili ko kasi iniisip ko totoo, 'di ba Grabe panaginip lang talaga. Sobrang nakatatakot. Pinakamalalang bangungot na naranasan ko, so far.

*Dismissal*

"Oh pano sis Xheila? May party kami na pupuntahan. See you tommorow!" sabi ni Diane sabay kiss sa pisngi ko.

Wala naman ako sa sariling tumango sa kanya. Sa totoo lang kinakabahan akong maglakad mag-isa. Village pa man din iyong tinitirhan ko so that means, konti lang ang taong nasa daan. Usually mga nasa bahay nila. Haaaay. Napaparanoid na 'ko masyado!

Lumabas na 'ko ng school. Bawat hakbang ko ay may halong takot. Nag-headset nalang ako at nag-play ng happy songs. 6:30 na ng gabi kaya medyo madilim na sa kalsada. Huhuhu!

Now playing: Rude

'Why gonna be so ruuude?

Don't you know I'm human too~

Why gonna be so rude?

I'm gonna marry her, anyway

Marry that girl.

Marry her anyway.♪♪

Kumakanta lang ako hanggang nakarating na 'ko sa harap ng bahay namin. Nakahinga naman ako nang maluwang. Thank you, Lord!

Pinatay ko na ang music ko and pumasok na sa gate namin. Nakita ko si Kuya Nate sa garden na naglalaro sa PSP nya. Ang laking tao, isip-bata.

"Hi Princess! How's your school?" tanong ni Kuya habang nakatingin parin sa PSP niya.

"Nothing new. Bat ka ba nagtatanong? Tss," pagtataray ko sa kanya. Yeah. Maldita ako kahit kanino. Umiling -iling naman sya dahil sa sinagot ko pero nakangiti siya. Baliw.

"Princess talaga. Kahit kelan maldita ka! Kaya walang nanliligaw sayo eh," sabi nya habang binelatan pa 'ko.

"FYI marami po. Kaso lahat sila BASTED! Hmp. Dyan kana nga! Idiot brother!" sabi ko sabay pasok sa loob ng bahay namin. Nadatnan ko naman si Ate Wheya sa sala na nanunuod ng TV.

"Hi malditang prinsesa! Musta school mo?" tanong nya.

"Bat ka nagtatanong?" pangbabara ko.

"Maldita as always. Sige di na'ko magtatanong. Hantaray mo 'te!" sabi niya at bumalik na sa panonood ng TV.

Wala ang Mommy namin, nasa work. Si papa, sumalangit na. Pero kahit ganyan ako sa mga ate at kuya ko, mahal na mahal ko sila. 'Di lang halata. Pumasok nako sa kwarto ko at nagpalit. 'Di talaga mawala sa isip ko yung nangyari sa panaginip ko. Panaginip lang naman 'yon eh bat apektadong-apektado ako? Tss.

Lumabas ako at pinuntahan si Kuya Nate sa garden.

"Kuya, alam mo ba ung Wizard Academy?" pagtatanong ko. Napatingin naman siya sa'kin.

"Ahh! Yung wirdong school! Gusto ko ngang pumasok do'n. Kaso bawal naman. Parang ang cool kasi no'ng school na 'yon. Mysterious! Bakit mo nga pala natanong?" sagot ni Kuya Nate na parang manghang-mangha habang binabanggit ang school na 'yon.

"Wala naman." cold na sagot ko saka na umalis.

"Eh?" rinig kong sabi pa ni Kuya Nate. Nilingon ko siya at nakita kong nagkakamot siya ng batok niya. Haha ang cute lang ng kuya ko. Pumasok na 'ko uli sa loob ng bahay at pinuntahan ko naman si Ate Wheya.

"Ate Wheya, Do you know Wizard Academy?" tanong ko.

"Nope," sagot lang niya sabay tingin ulit sa TV. Walang kwenta. Sabagay, graduate na siya kaya wala na siyang pake sa mga schools. Siya ang pinakamatanda sa'ming tatlo. She is a nurse. Si Kuya engineering ang course at 2nd year college na. Ewan kung anong field sa engineering si Kuya. I'm not interested. Ako 4th year highschool sa Weisley University. First day ko sa pagiging 4th year.

Umalis nalang ako sa sala at tumungo sa kusina. Ano b'ang ulam? Hmm. Kumain na 'ko mag-isa. 'Di ko na inaya iyong dalawa. Maingay kasi eh. Pagkatapos kong kumain ay agad na rin akong pumasok sa room ko. Humiga na 'ko at tumingin sa kisame.

Princess Xheila Zhatriya Castin. Tinawag ako sa pangalang yang kanina. Who's that? Naweweirduhan na talaga ako sa W.A na yan ah!

How come na ayaw nilang magpa-pasok kahit mahal ang ibayad sa kanila? Kung ako siguro may-ari ng school na iyon, kukunin ko na yung malalaking offer at yayaman nako. Kaso tanga ata ung owner eh. At natandaan ko kanina, pinapapasok ako numg lalaking 'yon. Iyong iba nga halos ibigay na lahat ng yaman nila tapos ako papapasukin lang ng maligno na iyon basta-basta? So weird!

After ilang minutes ng pag mumuni muni ay may naramdaman akong malamig na hangin. Iyong kurtina ng window ko hinahangin kaya tumayo ako para isarado. Kaso may napansin ako. Nanlaki bigla iyong mga mata ko nang may makita akong isang pigura ng isang tao sa ibaba ng bintana ko.

Iyong lalaki kanina sa panaginip ko. Nandun sa ibaba ng binatana ko! Nakatingin sakin! Pero this time gwapo na ulit sya, I mean normal na tao na. Dali-dali kong isinarado yung window ko dahil sa takot. Sabi ko na nga ba hindi panaginip 'yon! Oh my god.

Nakakatakot na 'tong nangyayari sa 'kin. Namamaligno na'ko. Kailangan ko na yata ng albularyo. Ugh. Nevermind. Bukas wala na'to. Bukas makakalimutan ko na'to. You just need to rest Xheila.

After that, humiga na 'ko sa kama. Natulog na 'ko nang may kaba at takot sa dibdib. Bukas ko nalang iintindihin lahat. Pagod ako ngayong araw. Please sana 'di totoo ang lahat. That's only my imagination out of stress right? Please tell me I'm right.

School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon